Jonas 2:1-6
Jonas 2:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito: “Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako. Itinapon ninyo ako sa kalaliman; sa pusod ng karagatan. Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig, at malalaking alon ang sa akin ay tumabon. Akala ko'y malayo na ako sa inyo, at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo. Hinigop ako ng kalaliman, hanggang sa tuluyang lumubog; napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat. Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok, sa libingan ng mga patay. Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
Jonas 2:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nanalangin si Jonas sa PANGINOON na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. Sinabi niya, “PANGINOON, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo, at sinagot nʼyo ako. Sa bingit ng kamatayan, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinakinggan nʼyo ako. Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat. Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo. Pinalayas nʼyo ako sa inyong presensya, pero umaasa pa rin akong makakalapit muli ako sa inyo roon sa inyong banal na templo. Lumubog po ako sa tubig at halos malunod. Natabunan ako ng tubig at ang ulo ko ay napuluputan ng mga halamang-dagat. Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat, at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman. Pero kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O PANGINOON kong Dios.
Jonas 2:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda. At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin. At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo. Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo. Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
Jonas 2:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito: “Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako. Itinapon ninyo ako sa kalaliman; sa pusod ng karagatan. Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig, at malalaking alon ang sa akin ay tumabon. Akala ko'y malayo na ako sa inyo, at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo. Hinigop ako ng kalaliman, hanggang sa tuluyang lumubog; napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat. Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok, sa libingan ng mga patay. Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
Jonas 2:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda. At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin. At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo. Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo. Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon ma'y isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.