Mga Awit 150:1-6
Mga Awit 150:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila. Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira! Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin! Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan. Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!
Mga Awit 150:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Purihin ang PANGINOON! Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo. Purihin siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan. Purihin siya dahil sa kanyang mga dakilang mga gawa. Purihin siya dahil sa kanyang kapangyarihang walang kapantay. Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta! Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira! Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin at sumayaw. Purihin siya sa tugtog ng mga instrumentong may kuwerdas at mga plauta. Purihin siya sa matutunog na mga pompyang. Purihin siya sa mga taginting nito. Ang lahat ng may buhay ay magpuri sa PANGINOON.
Mga Awit 150:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: purihin ninyo siya ng salterio at alpa. Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo. Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 150:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh! Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang lakas na taglay! Siya ay purihin sa kanyang ginawa, siya ay purihin, sapagkat dakila. Purihin sa tugtog ng mga trumpeta, awitan sa saliw ng alpa at lira! Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin, mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin! Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog siya'y papurihan. Purihin si Yahweh lahat ng nilalang! Purihin si Yahweh!
Mga Awit 150:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Dios sa kaniyang santuario: Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan. Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa: Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan. Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak: Purihin ninyo siya ng salterio at alpa. Purihin ninyo siya ng pandereta at sayaw: Purihin ninyo siya ng mga panugtog na kawad at ng flauta. Purihin ninyo siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo. Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.