Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

ARAW 2 NG 7

“PAGGISING - Pagkamulat ng iyong Kamalayan”

Madalas, hindi natin napapansin ang mga babala sa ating buhay sapagkat hindi malakas ang ating pakiramdam dito. Ang mahinang alarma na parang tunog ng alpa ay hindi kayang gawin ang kailangan nitong gawin—kailangan ng napakalakas na alarma upang tayo'y magising. Kaya't sa halip na tayo'y maagang makatugon sa babala, lagi nating pinipindot ang snooze na buton. Palakas ng palakas ang alarma hanggang sa kalaunan ito'y masakit na sa pandinig kaya't hindi na natin ito kayang mapalampas. Kaya't gumigising tayo, nagkukusot ng ating mga mata, tumitingin sa ating paligid upang hanapin ang mga baboy ng alibughang anak na nakapaligid ssa atin at nagtataka kung paanong ito nangyari.

Narito ang aking tanong para sa iyo: May mga alarma bang tumutunog upang magbigay babala sa buhay mo ngayon?

Sa Banal na Kasulatan ay may ilang halimbawa kung paanong nagbibigay ng babala ang Diyos. Kadalasan, ang babala ay maagang tumutunog upang gisingin tayo bago pa masira ang mga bagay-bagay. Kung minsan ay iniisip ng mga taong kailangan pa nilang masagad sa kailaliman bago nila imulat ang kanilang mga pakiramdam, ngunit paano kung sinusubukan na kayong gisingin ng Diyos ngayon upang iligtas kayo sa dalamhati sa malayong hinaharap?

Nangungusap ang 2 Mga Cronica 36:15 kung paanong nagbigay ng babala ang Diyos sa Kanyang bayan. Ang kasabihang “pagbangon nang maaga” ay hindi nangangahulugang bumangon mula sa Kanyang higaan ang Diyos. Sa halip ito'y nangangahulugang “pagkilos nang maaga.” Sa ganitong konteksto, nangangahulugang nagbibigay na agad Siya ng babala kapag may nahiwatigan Siyang suliranin.

At pagkatapos nga ay nabasa natin kung bakit Siya nagbabala: “… dahil sa habag ni Yahweh sa kanila at sa pagmamalasakit niya sa kanyang Templo…” Ang mga babalang ito ay para sa ating kabutihan, sapagkat minamahal tayo ng Diyos.

* Mayroon ka bang mga babalang hindi pinapansin, at sa halip ay pinipili mong umidlip na muli sa halip na gumising? May mga naiisip ka bang panahon kung saan binigyan ka ng Diyos ng maagang babala upang iligtas ka mula sa darating na kadalamhatian/kasalanan?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay?

More

Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/aha/