Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

ARAW 3 NG 7

“PAGGISING – Pagbura sa Tagsalat”

Kamakailan ay may nabasa akong tungkol sa isang pagsubok na ginawa ng sikologong si Jonathan Haldt. Siya ay nagsagawa ng isang kahali-halinang hypothetical na pagsasanay, kung saan ganito ang nangyari:

Ang mga kasali ay binigyan ng isang buod ng buhay ng isang tao at ito’y ipinabasa sa kanila. Hiniling sa mga kasali na ipagpalagay na ang taong iyon ay ang kanilang anak na babae. Ito ang kanyang talambuhay na hindi niya maiiwasan. Hindi pa siya ipinapanganak, ngunit malapit na siyang ipanganak, at dito patungo ang kanyang buhay. Ang mga kasali ay may limang minuto upang ayusin ang kanyang kwento. Habang may hawak silang pambura sa kanilang kamay, maaari nilang tanggalin ang anumang nais nilang alisin sa kanyang buhay.

Ito ang katanungan para sa mga kasali: Ano ang una mong buburahin?

Ang karamihan sa atin ay likas at magmamadaling buburahin ang kapansanan sa pag-aaral at ang aksidente sa sasakyan pati ang mga hamon sa pananalapi. Mahal natin ang ating mga anak at nais nating mamuhay sila ng isang buhay na walang mga paghihirap, pasakit at mga dagok. Lahat tayo ay nagnanais ng buhay para sa ating mga anak na malaya sa kirot at dalamhati.

Ngunit tanungin ninyo ang inyong mga sarili? Ito ba talaga ang pinakamabuti?

Talaga bang ang isang marangyang buhay na maayos ang lahat ang sa tingin natin ay magpapasaya sa ating mga anak? Paano kung binura mo ang isang mahirap na pangyayari sa buhay nila na gigising sa kanila sa panalangin? Paano kung binura mo ang isang paghihirap na magpapakita sa kanila kung paanong maging masaya sa kabila ng mga pangyayari? Paano kung binura mo ang ilan sa mga pasakit at pagdurusa na sa bandang huli ay siyang pagganyak na gagamitin ng Diyos upang sila'y umiyak sa Kanya? Paano kung binura mo ang isang mahirap na sitwasyon na gigising sa kanila sa kung ano ang hangarin ng Diyos para sa buhay nila?

Maaring malupit mang pakinggan, subalit ang pinakaunang tulong sa paglagong espiritwal ay hindi ang mga sermon, mga aklat, o mga maliit na pagtitipon; ang pinakaunang tulong sa paglagong espiritwal ay ang mga mahihirap na sitwasyon. Masasabi ko ito sa inyo dahil sa sarili kong karanasan, sa pagbabasa ng mga pagsisiyasat tungkol sa paglagong espiritwal, at sa sarili kong pagpapatunay pagkatapos ng pakikipag-usap sa libo-libong tao sa loob ng maraming taon. Ang AHA ay lumalabas mula sa mga pagdurusa, mga dagok, at mga hamon ng buhay. Maraming tao ang magsasabi na ang mga sandaling ito ang kanilang mga pinakadakilang sandali ng espiritwal na pagkamulat.

* Ano ang mga panahon sa iyong buhay na naranasan mo ang pinakamalaking paglagong espiritwal? Sila ba ay mga panahon ng kasaganahan, o sila ba ay panahon ng paghihirap? Sinisikap ba ng Diyos na ikaw ay magkaroon ng paglago ngayon sa pamamagitan ng mga mahihirap na pagsubok o sitwasyon?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay?

More

Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/aha/