Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng DiyosHalimbawa
Isa sa napakaraming paraan ng Diyos upang ikaw ay payabungin ay sa pamamagitan ng karunungan ng iba, habang ang Kanyang karunungan at pagtuturo ay naipapakita sa atin sa pamamagitan ng mga taong ating iginagalang. Ang 1 Pedro 5:1-11 ay isa sa mga maraming talata na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagmementor o pagtuturo sa iba at ang pagiging nariyan at handa para sa Panginoon sa paghubog ng iba sa Kanyang Imahe. Sino ang mga mentor o tagapagturo mo sa iyong buhay na maaring natulungan kang makarating sa iyong estado ngayon sa iyong ugnayan kay Kristo? Maari siyang maging mentor, guro, pastor, isang miyembro ng iyong pamilya, o isang malapit na kaibigan na ipinuhunan ang kanilang karunungan, kaalaman, at karanasan sa iyong buhay. Maglaan ng oras upang alalahanin ang mga taong ito na inilagay ng Diyos sa iyong buhay. Huwag mong kalimutan ang kanilang puhunan na inilagay sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Natural na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang planong ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa BIbliya at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Kristo.
More
We would like to thank LifeChurch.tv for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv