Panibagong Simula | 5-Day Series from Light Brings FreedomHalimbawa
Naranasan mo na bang...
Naranasan mo na bang mapunta sa dilim, ‘yung wala ka talagang makita? Kung susubukan mong lumakad baka madapa ka o ‘di kaya’y masaktan ka lamang. Ang natural na kadiliman ay mahirap, ngunit ang espirituwal na kadiliman ay mas mapanghamon.
Nakita ng Diyos ang kalagayan ng sangkatauhan at ayaw Niyang manatili tayo sa bitag ng kasalanan. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Jesus, na nagsabing, “Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa Akin ay huwag manatili sa kadiliman” (Juan 12:46).
Piliing Lumapit
Tinatawag tayo ng Diyos upang maalis sa kadiliman patungo sa Kanyang kamangha-manghang liwanag. Ang liwanag na ito ay nagbibigay ng pag-asa, kagalakan at buhay na walang hanggan. Hindi na natin kailangang lumakad sa kadiliman sapagkat ang Kanyang liwanag ay may kapangyarihang tayo’y baguhin!
Gusto mo bang lumakad sa kaliwanagan?
Tandaan mo: Ang liwanag ng Diyos ay laging mas makapangyarihan kaysa kadiliman.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Ihayag ang Kanyang sarili sa’yo. Siya ang Liwanag ng mundo.
- Ilantad ang kasalanan sa iyong buhay at linisin ka sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
- Palayain ang iyong puso at isipan sa kasinungalingan ng kaaaway. Ang katotohanan ng Salita ng Diyos ang nagdudulot ng kalayaan.
Pag-isipan mo sumandali:
- Ano ang espirituwal na kadiliman?
- Mailalarawan mo ba kung ano ang “kasalanan” mula sa Santiago 4:17?
- Ano ang mapanirang kabayaran ng kasalanan? (Roma 3:23; 6:23)
- Paanong ipinapakita ng Salita ng Diyos kung ano ang kasalanan?
- Ang ating buhay ay nabago dahil sa kapangyarihan ng ebanghelyo. Malaki ang pagbabagong nagagawa ng liwanag! Isa-isahin ang mga pagbabagong ito.
- Bakit may mga taong nananatili sa kadiliman, kung maaari naman silang lumakad sa kaliwanagan?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
"Try again," daw, pero paano nga ba? Marami ang nagnanais ng panibagong simula sa buhay... pero hindi nila alam kung paano maumpisahan. Ito rin ba ang feeling mo? Samahan mo kami sumandali at pag-aralan natin kung paano makahanap ng kalayaan, lumakad mula sa kadiliman, ang kahulugahan ng ating mga choices, at ang pinakamahalaga sa lahat --ang bagong kapanganakan sa pamilya ng ating Mabuting Ama. (#1 in Light Brings Freedom series)
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/