Panibagong Simula | 5-Day Series from Light Brings FreedomHalimbawa
May kumakatok...
Isipin mo may kumakatok sa pintuan ng inyong bahay. Mayroon kang pagpipili na dapat gawin. Papansinin mo ba, paaalisin o papapasukin? Sa Biblia, sinabi ni Jesus na Siya ay kumakatok sa pintuan ng ating buhay. Nais Niyang pumasok at bigyan tayo ng libreng regalo ng buhay na walang hanggan, ngunit kailangan natin Siyang papasukin.
Papasukin mo ba Siya?
Hindi Siya papasok kung ayaw natin o hindi Siya naimbitahan. Kung bubuksan natin ang pinto ng ating buhay at tatanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas, Siya’y papasok. Maaaring ang ilan ay mas piniling hindi Siya pansinin, talikuran Siya at tanggihan ang Kanyang regalo.
Ngunit, ang sinumang totoong naniwala at tumanggap kay Jesus, binigyan Niya ng pribilehiyo na maging anak ng Diyos. Ito ba ang gusto mo sa iyong buhay?
Tandaan mo: Hindi kayang magsinungaling ng Diyos. Ipinangako Niya na kung ating bubuksan ang pintuan ng ating puso at iimbitahan Siyang pumasok, Siya nga’y papasok!
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Ibigay sa’yo ang regalo na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesus.
- Pumasok sa iyong puso at maging Panginoon mo’t Tagapagligtas.
- Kupkupin ka sa Kanyang pamilya at tawagin kang Kanyang sariling anak.
Pag-isipan mo sumandali:
- Anong mangyayari sa atin kung taos-puso nating tatanggapin at paniniwalaan si Jesus?
- Ano ang mas makapangyarihan sa ating buhay – ang kadiliman o kaliwanagan?
- Ano ang ipinangako ni Jesus na Kanyang gagawin kung tatanggapin mo Siya bilang Tagapagligtas at Panginoon? (2 Corinto 5:17)
- Anong mangyayari kung tatanggihan natin si Jesus?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
"Try again," daw, pero paano nga ba? Marami ang nagnanais ng panibagong simula sa buhay... pero hindi nila alam kung paano maumpisahan. Ito rin ba ang feeling mo? Samahan mo kami sumandali at pag-aralan natin kung paano makahanap ng kalayaan, lumakad mula sa kadiliman, ang kahulugahan ng ating mga choices, at ang pinakamahalaga sa lahat --ang bagong kapanganakan sa pamilya ng ating Mabuting Ama. (#1 in Light Brings Freedom series)
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/