Maghari Ka sa AminHalimbawa
PANALANGIN:
O Diyos, Nagpapasalamat ako dahil natatawag Kitang Amang nasa Langit. Salamat sa pagmamahal sa akin at kagustuhang mapalapit ako sa Iyo.
PAGBASA:
Nang hilingin ng mga disipulo si Jesus na turuan silang manalangin, binigyan Niya sila ng ganitong halimbawa. Sa maraming paraan, maaari nating gamitin ang panalanging itong balangkas sa kung paanong wastong isagawa ang sarili nating buhay-panalangin. Isa sa pinakamahalagang aral na itinuro ni Jesus sa pamamagitan ng panalanging ito ay masusumpungan sa unang dalawang salita, “Ama namin.”
Sa paggamit ng salitang “Ama,” ipinaliliwanag ni Jesus ang uri ng relasyong maaari tayong magkaroon sa Diyos. Ito ay malaking pagbabago para sa mga tagasunod na Judio noong unang siglo. Hindi karaniwan noong lumapit sa Makapangyarihang Diyos na gamit ang pananalitang labis na pamilyar at matalik. Ngunit maaaring iyon mismo ang punto ni Jesus.
Kung iisipin nating ang Diyos ay ating boss sa langit o halimbawa sa langit, o kahit kaibigan sa langit, ang ating buhay-panalangin ay lubos na mababago. Ang mga titulong ito ay naghahatid ng mga ekspektasyon at limitasyon sa relasyon.
Isipin ang isang empleyadong papasok sa opisina ng boss upang humiling ng isang bagay. May partikular na asal sa pakikitungo, isang paggalang at respeto. Ngayon, isipin ang limang-taong-gulang na anak ng boss na papasok sa opisina upang humingi ng isang kendi. Ibang-iba ang kanyang paraan ng paglapit, maaaring magpapakalong pa sa ama at hihingi nang may buong kumpiyansa. Bakit ibang-iba ang paraan ng paglapit ng dalawa? Ito'y dahil magkaiba ang relasyon. Ang uri ng relasyong mayroon ka ang tumutukoy sa antas ng kalayaang lumapit at maging malapit.
Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga ng mga salita ni Jesus. Nang sabihan Niya tayong manalangin ng “Ama namin,” Siya ay gumawa ng radikal na deklarasyon patungkol sa relasyon sa Diyos na maaari nating makamtan. Sa pamamagitan ni Jesus, tayo'y ginawang miyembro ng sambahayan ng Diyos, at maaari tayong lumapit nang walang pag-aatubili dahil tayo ay inaanyayahan sa isang relasyong nababatay sa kalayaang lumapit at maging matalik.
tayo
(Hindi lahat ay nagkaroon ng pribilehiyong lumaking kasama ang isang mapagmahal na amang pinahahalagahan ang kanilang mga damdamin at pangangailangan. Sa ilan, maaaring maging masakit ang ikonekta ang kanilang ideya ng “ama” sa relasyon nila sa Diyos. Maaaring isang mahabang lakbayin ng paghilom ang kinakaharap bago nila magamit ang salitang iyon para sa Diyos nang may katiyakan ng Kanyang pagmamahal. Ngunit huwag payagang malihis sa pinakapunto ni Jesus sa paggamit ng salitang “Ama”—na maaari kang lumapit sa Diyos ng walang pag-aatubili sa isang relasyong napalolooban ng kalayaang lumapit at maing matalik. Hindi nalilimitahan ang Diyos sa mga hangganan at sugat ng ating mga makalupang ama. Mahal ka Niya bilang isang Perpektong Ama.)
PAGNINILAY:
Ang relasyon sa Diyos ay isang relasyong nababatay sa kalayaang lumapit, pagiging matalik at ng walang pag-aatubili. Hayaang maunawaang mabuti ito. Sadyang napakaespesyal ito na sa pamamagitan ni Jesus ay posibleng magkaroon ng ganyang uri ng relasyon sa Diyos!
Gumugol ng ilang sandaling itala ang mga kasagutan sa mga susunod na tanong. Habang sumusulat, hingin sa Espiritu Santo na ipakita sa iyo kung paaanong ninanais ng Diyos na magkaroon ng malapit na relasyon sa iyo, na Kanyang anak.
Ano ang kalagayan ng iyong kasalukuyang relasyon sa Diyos? May bahagi ba ng buhay mong may pag-aatubili kang ipagkatiwala sa Kanya? Paano magagawang lumapit sa Ama nang walang pag-aatubiling mahal ka Niya at nais kang lumapit?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.
More