Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Maghari Ka sa AminHalimbawa

Kingdom Come

ARAW 15 NG 15

PANALANGIN:

Oh Diyos, nais kong magkaroon ng hindi matitinag na pananampalataya. Turuan Ninyo akong magtiwala nang buo sa Inyo.


PAGBASA:

Malamang alam mo kung paano nagtatapos ang kuwentong ito. Tumingala si Pedro at nakita ang hangin at mga alon at natakot. Nawala ang kanyang konsentrasyon kay Jesus, nagsimulang lumubog sa tubig, at kinailangang iligtas siya ni Jesus. Malamang tayong tumuon sa kabiguan ni Pedro sa kuwentong ito, ngunit paano naman ang napakalaking pananampalatayang ipinamalas ni Pedro kay Jesus upang magawang humakbang sa mga alon? Iyan ay kahanga-hangang pananampalataya! Higit na pananampalataya kaysa ninumang nasa bangka noong araw na iyon. Si Pedro ay naniwala sa kapangyarihan ni Jesus kaya siya lamang ang nag-iisang lalaking nakalakad sa ibabaw ng dagat. Iyon ay, ang tanging tao na hindi rin Diyos. 


Karaniwan tayong takot na takot sa kabiguan na hindi tayo humahakbang at nagtitiwala sa Diyos na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay. Katulad ng iba pang mga alagad sa bangka, napapanatag na tayong ang ating mga paa ay nasa palapag at pinapanood ang ibang humahakbang sa mga alon. Maaari pa nga tayong matuwa kapag sila ay nanghina upang mabigyang-katwiran ang ating ligtas na pasyang manatili sa kinatatayuan. 


Posibleng gawin natin ito sa ating buong buhay at hindi kailanman mabigo sa anumang paraang nakakahiya sa publiko, ngunit hindi tayo kailanmang magtatagumpay sa anumang bagay na lubos na mahalaga at makabuluhan. Anong trahedya! Sinabi ng Pastor at may-akda na si A.W. Tozer, “Naghahanap ang Diyos ng mga taong magagamit Niyang gawin ang imposible. Kaawa-awa naman na pinaplano lang natin ang mga bagay na kaya nating gawing mag-isa.”


Ano kaya kung magtitiwala tayo sa Diyos nang walang pag-aalinlangang katulad ni Pedro nang tumalon mula sa bangka? Oo nga, nagsimula siyang lumubog, ngunit hindi bago nakailang hakbang siya tungo sa imposible. At sa huli, hindi siya pinabayaan ni Jesus na lumubog. 


Kahit sa gitna ng kabiguan ay nagkaroon sina Pedro at Jesus ng isang sandaling kailanma'y hindi na mauulit. At kung magagawa mong tanungin si Pedro tungkol sa sandaling iyon, malamang na sasabihin niya sa iyo na hindi niya kailanmang pinagsisihan ang pagbaba sa bangkang iyan.


PAGNINILAY:

Naiisip mo ba kung ano ang pakiramdam ng magtiwala kay Jesus hanggang sa punto ng walang pasubali't pakundangan? Nakakatakot ba, totoong napakasaya, o pareho? 


Pumunta sa isa sa iyong paborito't pinakamaginhawang lugar. Marahil ito ay isang komportableng sopa na may kumot, o maaaring isang lugar sa labas na napapalibutan ng kalikasan. Kapag areglado ka na, huminga nang dahan-dahan at malalim habang tumatahimik ka sa harapan ng Diyos. 


Mayroon bang anumang pumipigil sa iyong sumuko sa paraang gustong kumilos ng Diyos sa iyo? Maglaan ng ilang sandali at hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kung ano ang humahadlang—at pagkatapos ay ibaba ito sa harap Niya. Hilingin sa Diyos na kumilos sa iyong puso, sa anumang paraang gusto Niya, upang tulungan kang magtiwala sa Kanya hanggang sa punto ng walang pasubali't pakundangan. 




Para makakita ng iba pang mga gabay mula sa North Point Community Church, pindutin o i-tap here .  

Banal na Kasulatan

Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Kingdom Come

Narinig namin na si Jesus ay nag-aalok ng "buhay na ganap" at hinahangad namin ang karanasang iyon. Nais namin ang buhay na iyon na nasa kabilang dako ng pagbabago. Ngunit anong uri ng pagbabago ang kailangan natin? At paano natin isasagawa ang proseso ng pagbabago? Sa Maghari Ka sa Amin, ikaw ay makatutuklas ng isang bagong paraang makapamuhay ng pambihira at kamangha-manghang buhay na paanyaya sa atin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://northpoint.org