Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Biblia ay BuhayHalimbawa

Ang Biblia ay Buhay

ARAW 3 NG 7

Binabago Ng Biblia Ang Mga Bansa 

Ito ay noong taong 1800s. Ang 12-anyos na Nigerian na batang lalaki at ang kanyang pamilya ay kinuha mula sa kanilang tahanan at pinilit isakay sa isang Portuges na barkong pang-alipin na papuntang Amerika. Ngunit bago pa magkaroon ng pagkakataong makaalis ang barko mula sa baybayin ng Africa, ito ay sinalakay ng mga nagpapatrolya na laban sa pang-aalipin at ang mga nagbebenta ay nadakip. Ang batang lalaki at ang kanyang pamilya ay napalaya at ipinadala sa Sierra Leone. At dito niya nadiskubre ang kapangyarihan ng Biblia. 

Matapos maging Cristiano, si Samuel Ajayi Crowther ay nagsimulang mag-aral ng maraming wika at napadpad sa pagmimisyon sa mga bansang malapit sa Sierra Leone. Ngunit sa buong panahon, inaaral niya ang Biblia sa wikang Ingles sapagkat wala nito sa Yoruba—ang kanyang wika sa Nigeria. 

Nangangahulugan ito na ang mga tao sa Nigeria na hindi nakakapagsalita ng wikang Ingles ay hindi nakakabasa para sa kanilang mga sarili ng Salita ng Diyos. Kaya si Ajayi ay tumulong upang makalikha ng nakasulat na sistemang bararila sa Yoruba at isinalin ang Biblia para sa wikang iyon. 

Nang matapos niya ang Biblia sa wikang Yoruba, ipinagpatuloy niyang isalin ang Banal na Kasulatan sa iba pang wika sa Nigeria upang matuklasan pa ng mga tao ang pagbabago sa buhay na kanyang naranasan. 

Hindi kalaunan ay nahalal si Cowther bilang “Bishop of the Niger” ng simbahang Anglicano, at naging kauna-unahang Black Anglican bishop. At ngayon, ang Anglicanong Iglesia ng Nigeria ay naging pangalawa sa pinakamalaking lalawigan ng Anglicano na may 18 milyong miyembrong nabautismuhan. 

Ang parehong Diyos na kumilos kay Cowther ay nais din kumilos sa iyo upang magbigay-epekto sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Mayroong mga taong naghihintay baguhin ng Biblia na tanging ikaw ang may perpektong posisyon upang sila ay abutin.

Kaya ngayon, hingin mo sa Diyos na ihayag sa iyo ang maari mong gampanan sa kuwento na Kanyang inilalahad at panoorin kung paano Siya kikilos sa buhay mo nang higit pa sa kaya mong hilingin, isipin o akalain.  

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Biblia ay Buhay

Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay inilikha at nagmula sa YouVersion.