Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Biblia ay BuhayHalimbawa

Ang Biblia ay Buhay

ARAW 5 NG 7

Iwinawaksi ng Biblia ang Kadiliman

Hindi gusto ni Diya ang kahit anong may kinalaman sa Cristianismo. Ngunit noong 2017, ang matalik na kaibigan ni Diya ay nagbahagi ng kaniyang patotoo sa kanyang simbahan sa New Zealand. Dumating si Diya upang suportahan siya … at patuloy siyang nagpabalik-balik. Ibinigay niya ang kaniyang buhay kay Jesus noong taong din iyon, bago siya pumunta sa India.

Ang pagpapatuloy ng bagong pananampalataya sa bagong bansa na walang Cristianong pamayanan ay nakakapagod, at si Diya ay di-kalaunang nanlumo sa puntong nahirapan na siyang bumangon sa kaniyang kama sa bawat araw.

“Lubha akong nalungkot at natuklasan kong napakahirap makipag-ugnay sa mga tao. Nawalan ako ng maraming mga kalayaan at kasarinlan noong pumunta ako sa India, at maraming nakalalasong pag-iisip ang pumasok sa aking isipan. Ngunit nagbago ang paraan ng aking pag-iisip nang magkaroon ako ng ugnayan sa Banal na Kasulatan na nasa YouVersion.”

Ang YouVersion ang nagbigay kay Diya ng daan upang manatiling may ugnayan sa ibang mga Cristiano at matuto sa kanila sa pamamagitan ng mga Gabay sa Biblia. At simula noong 2018, nakumpleto na niya ang mahigit sa 428 na mga ito.

Sa tuwing si Diya ay may katanungan, binubuksan niya ang kaniyang YouVersion app at naghahanap ng mga Gabay para sa paksang iyon. At habang mas maraming Gabay siyang nababasa, mas higit rin ang paglago ng kanyang pananampalataya.

“May ilang mga araw ay nagsisimula ako sa 11 na mga Gabay upang subukin at puspusin ang aking sarili ng katotohanan. Ito ay pagkakataon upang matuto mula sa mga taong dumaan sa iyong kinalalagyan at makakuha ng mga pampalakas-loob mula sa kanila. Natutuhan kong hindi ako mag-isa sa aking mga pagsusumakit. Nakaririnig ako mula sa mga tao na dumaan sa matinding pagkalumo at nakaalpas mula doon, at nakatulong ito sa akin upang maintindihan na maging ang mga taga-sunod ni Jesus ay nakikipaglaban din sa sakit sa pag-iisip.”

Ngayon, sa tuwing si Diya ay nalulungkot, nanlulumo, o nag-iisa, kumakapit siya sa mga pangako ng Diyos at itinataas ang bawat pag-iisip na taliwas sa sinasabi ni Jesus patungkol sa kanya.

“Minsan, kapag ikaw ay nanlulumo, kailangan mo lamang ng isang salita. Ang app ay ‘shortcut’ na nakatulong sa akin upang maintindihan ang Biblia at aking pananampalataya. Ang teknolohiya ay mainam na instrumento na magagamit natin upang magkaroon ng ugnayan sa ating pananampalataya. Hindi ko alam kung nandito pa ako ngayon kung hindi ako nagkaroon ng paraan upang makipag-ugnayan kay Cristo, sapagkat ang mga panahong iyon ay tunay na madilim at Siya lamang ang tanging pinagkukunan ko ng liwanag noon—at hanggang sa ngayon.”

Dahil sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos, ang pagkahiwalay ay maaring maging paguugnayan, at ang pag-asa ay maaaring matuklasan sa gitna ng kahirapan.

Magbulay-bulay sa kuwento ni Diya ng isang sandali, at maglaan ng oras sa pakikipagusap sa Diyos tungkol sa panahong kinalalagyan mo ngayon. At sa paggawa nito, hilingin sa Diyos na ihayag sa iyo ang katotohan sa likod ng iyong sitwasyon, at pagkatapos hanapin sa Banal na Kasulatan ang Kanyang mga Salita ng pag-asa at lakas ng loob. Hayaan ang Kanyang liwanag na magwaksi sa anumang kadiliman sa iyong buhay.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Biblia ay Buhay

Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay inilikha at nagmula sa YouVersion.

Mga Kaugnay na Gabay