Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

ARAW 1 NG 7

Ang mangingisda at ang kanyang asawa

Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang ( Awit 23:1 )

Sa aklat na "The Fisherman and His Wife", sinabi ni Lucy Crane ang kuwento ng isang mangingisda na nakahuli ng malaking isda, na isang engkantadong prinsipe. Pinakawalan ito ng mangingisda pabalik sa dagat at umuwing walang dala. Hinimok ng asawa ng mangingisda ang kanyang asawa na bumalik sa dagat at humiling sa prinsipe na pagbigyan ang isang kahilingan bilang kapalit sa pagpapalaya sa kanya pabalik sa dagat. Pumayag ang mangingisda at humiling (ayon sa kagustuhan ng kanyang asawa) na gawing villa ang kanilang maliit na kubo. Nang bumalik ang mangingisda, nalaman niyang pinagbigyan ang kanyang kahilingan. Mabilis na nagsawa ang kanyang asawa sa kanilang villa at sinabihan ang kanyang asawa na bumalik at humingi ng isang malaking kastilyong bato. Muli, pinagbigyan ang kanilang kahilingan.

Matapos magsawa ang kanyang asawa sa kanyang kastilyo, hiniling niya na maging reyna, pagkatapos ay nagmay-ari ng isang palasyo, ginawang emperatris, at sa bandang huli hiniling na maging pinuno ng imperyal na soberanya. Sa pagkakataong ito, sinabihan ng engkantadong prinsipe ang mangingisda na umuwi, kung saan natagpuan niya ang kanyang asawa na nakatira na ulit sa kanilang maliit na kubo.

Maaari tayong gumugol ng napakalaking oras, pagsisikap, at sa mga iba pang mapagkukunan upang magtamasa ng mga materyal na bagay, relasyon, at tagumpay. Kapag ginawa natin ito, mabibigo tayo makamtan ang mga kaloob na galing sa Panginoon. Nais ng Diyos na tamasahin natin ang kaligayahan sa bawat sandali ng ating buhay. Kung nakikita mo ang Diyos sa iyong kasalukuyang sitwasyon, makikilala mo rin ang kanyang gagawin sa iyong hinaharap.

Ang galit sa kung ano ang wala sa iyo ay pagsasayang ng kung ano ang mayroon ka.

Pagninilay: Maging mapagpasalamat at manampalataya na ang iyong buhay ay mas madali kung makikita mo ang mga bagay na mayroon ka na di mo makita dahil puno ang iyong puso ng reklamo. Kung kuntento tayo sa kung ano ang mayroon tayo mas madali ang pagpapasalamat sa Diyos sa anumang sitwasyon. Huwag magtaka na kung mas madalas tayong magrereklamo sa mga problemang kinakaharap natin, mas maraming problema pa ang ikarereklamo natin.

Ang pagiging kontento ay magpapalaya sa iyo na tamasahin ang bawat mabuting bagay na ibinigay sa iyo ng Diyos.

(Henry at Richard Blackaby)

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

Bilang tao nais nating ang ating buhay paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/