Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5Halimbawa
Pagbabahagi ng mansanas
“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos. (Mateo 5:6 )
Isinulat ni Hyrum Smith, "Noong ako ay walong taong gulang at nakatira sa isla ng Hawaii, napagwari ko na tila ang Pasko sa taong iyon ay magiging isang malungkot na Pasko para sa aming pamilya. Tinipon kami ng aking mga magulang upang ipaliwanag sa amin (pito kaming magkakapatid) na wala kaming sapat na pera para sa Pasko. Bawat isa sa amin ay pipili ng isang regalo na pinaka-gusto namin, at ang regalong iyon ang tanging regalong matatanggap ng bawat isa." Nagustuhan ni Smith ang mansanas, kaya humingi siya ng isang basket ng mansanas.
Ang kanyang mga magulang ay namangha, ngunit sa araw ng Pasko, nagawa nilang ibigay kay Smith ang "pinakamagandang basket ng mga mansanas na nakita ko." Nalaman lamang ni Smith makalipas ang ilang taon na dahil hindi lumalaki ang mga mansanas sa Hawaii, kailangan itong ipadala mula sa ibang lugar. Humingi siya ng isang napakamahal na regalo!
Paggunita niya, "Sa sandaling binuksan ng aking buong pamilya ang kanilang mga regalo, kinuha ko ang aking basket ng mga mansanas at naghanap ng mga kaibigan malapit sa aking bahay. Sa loob ng ilang oras, naibigay ko na ang lahat ng aking mga mansanas. Naaalala ko kung gaano kasarap ibahagi ang aking mga mansanas, sa lahat ng aking mga kaibigan; ang katotohanan na naipamigay ko ito lahat bago ang paglubog ng araw ay hindi isang problema para sa akin." Mula sa karanasang iyon, kalaunan ay naunawaan ni Smith ang tinatawag niyang "kaisipang may kasaganaan."
Kung mas masaya tayong nagbibigay sa iba, mas sagana ang natatanggap natin.
Ang kaligayahan ay gaya ng isang pabango na hindi mo maibuhos sa iba nang hindi makakakuha ng ilang patak para sa iyong sarili.
Pagninilay: Tinalakay ni Stephen R. Covey ang mental abundance sa kanyang "The Seven Habits of Highly Effective People" na aklat. Ang mga taong may masaganang pag-iisip ay mga taong epektibong nag-iisip na ang lahat ng pangangailangan sa buhay ay magagamit ng lahat sa isang balanseng paraan ng pamumuhay. Kaya, walang dapat ikabahala, kahit na alam nilang ang balanseng kaayusan ng buhay na ito ay sinisira ng ibang grupong may sakim na kaisipan. Bilang mga Kristiyano, dapat tayong magkaroon ng abundance mentality dahil ginagarantiyahan ni Jesus ang ating buhay.
Hindi lamang tayo nais pasayahin ng Diyos, ngunit nais din Niya tayong maging kapaki-pakinabang.
(Beth Moore)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/