Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mabuhay ng Walang TakotHalimbawa

Ang Mabuhay ng Walang Takot

ARAW 1 NG 3

Ang Mabuhay ng Walang Takot

Hango sa Salmo 91

Wala nang hihigit pa sa kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos. Ito lamang ang ating maasahan sa anumang panahon, lalo na kung dumaraan tayo sa hirap at sakit na naghahatid ng takot at kawalang-pag-asa.

Day 1 – Sino ang Diyos sa iyong buhay?

Mahilig tayong umasa sa tao dahil madalas nating idahilan na hindi natin marinig ang tinig ng Diyos lalo na sa ating times of desperation. Marami tayong excuses on why we can’t rely on God. Ang hindi natin alam ay mahirap sumandal sa tao, kahit pa ang ating besh ay nag-commit “to always be there for you.” Minsan ay hindi inaasahan na mayroong pinagkakaabalahan at walang time to listen and help. Kaya ang feeling of being let down adds to more insecurities.

Pero noon pa man ay pinatunayan na ni Moses na Diyos lamang ang maaasahan. Sinabi niya, “Ang iyong Diyos, O Israel, ay walang kagaya, mula sa langit dumarating upang tulungan ka. Sa mula’t mula pa’y ang Diyos na ang inyong tanggulan, walang hanggan niyang bisig ang inyong kanlungan” (Deuteronomio 33:26-27). “Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?”, ang tanong ni Haring David (Salmo 8:4).

Mahalaga ang isang magandang relasyon sa ating Diyos. He created us in His image kaya’t mabuting magkaroon tayo ng pasasalamat sa Kanyang pagkalinga sa atin. Nais Niyang ipadama sa atin ang tindi ng Kanyang pag-ibig. Wala nang hihigit pa sa kanyang 24/7 availability upang magkaroon tayo ng katiyakan na Siya ay maasahan.

Anong hakbang ang kailangan mong gawin upang magkaroon ka ng relasyon sa Diyos?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mabuhay ng Walang Takot

3 Araw na Aral Hango sa Salmo 91

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com/