Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mabuhay ng Walang TakotHalimbawa

Ang Mabuhay ng Walang Takot

ARAW 2 NG 3

Day 2 – Anong ikinatatakot mo?

Manood man ng TV o magbasa ng newspaper o makinig sa radyo, walang patid ang mga balitang naghahatid ng di-kasiguraduhan sa atin. Minsan ay handa na tayong mag-give up dahil mamatay tayo sa nerbiyos sa kakaisip pa lamang kung ano ang hinaharap natin.

Makakatulog pa ba tayo ng mahimbing kung ang mundo ay set on stirring up negative emotions within us? Pababayaan na lamang ba natin na maapektuhan ang ating kapayapaan ng mga kahirapang nakikita at pinagdaraanan natin?

Ang mga Israelita ay dumaan sa pang-aapi ng mga Egipcio, sa pamumuno ni Faraon, ng ilang daang taon. At nakita at narinig ng Diyos ang kanilang mga daing. Kaya inatasan Niya si Moses, kasama ang kapatid na si Aaron, upang maging tagapagsalita Niya.

Sa katigasan ng puso ni Faraon, sampung salot ang pinadala ng Panginoon, kung saan ang huli ay naghatid ng kamatayan sa lahat na panganay na anak na lalaki ng mga Egipcio, maging tao o hayop man. At dahil dito ay napalayas ang mga Israelita ni Faraon.

Ngunit hinabol sila ni Faraon at ng mga Egipcio at wala silang matakbuhan dahil ang Dagat na Pula ang kanilang dead end. “Matinding takot ang naramdaman ng mga Israelita ng makita nilang dumarating ang Faraon at ang mga Egipcio. Kaya dumaing sila kay Yahweh” (Exodo 14:10). Isang himala ng Diyos, ang pag-ihip ng malakas na hangin mula sa silangan na naghati ng tubig, ang kanilang minalas at nakatawid ang mga Israelita. Hinabol sila ng mga Egipcio pero nalunod ang mga ito. “Nang araw na iyon ang mga Israelita’y iniligtas ni Yahweh sa mga taga-Egipcio; nakita nila ang mga bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa tabing dagat” (v.30).

Marami pang himala ang ginawa at patuloy na ginagawa ng Panginoon na nagpapatunay ng Kanyang walang-patid na pag-aaruga Niya sa Kanyang minamahal.

Isulat ang isang pangyayari sa iyong buhay na idinaing mo sa Diyos at sinagot Niya.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mabuhay ng Walang Takot

3 Araw na Aral Hango sa Salmo 91

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com/