Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masterpiece Ka NyaHalimbawa

Masterpiece Ka Nya

ARAW 3 NG 7

May regrets ka ba?

May mga regrets ka ba sa buhay mo? Malamang mayroon, whether big or little regrets yun. Sometimes, nakaka-paralyze ang regrets, kaya importanteng alam natin kung ano ang truth about them.

Sa married life namin ni Mark, marami din kaming mga regrets. For example, sa first few years naming kasal, hindi kami marunong paano magnavigate ng conflict. Kaya marami kaming nabitawang mga hurtful words sa isa’t-isa. And sa early years naming naging parents, nahirapan din kaming i-manage ang anger namin sa pag discipline ng kids.

The good news is, walang sayang kay Lord. Lahat ng mga challenges na nadadaanan natin, nagagamit N'ya for our growth. Ito ang nangyari kay Joseph: noong bata siya, ibinenta siya ng mga kapatid nya at sinabing patay na.Yun pala, napadpad siya sa Egypt, kung saan, matapos ang maraming taon, inilagay siya ni Lord sa isang position of power na naging malaking tulong hindi lang sa pamilya n'ya kundi sa buong bansa.

Nasasabi sa Genesis 50:20, “Totoong nagplano kayo ng masama sa akin, pero plinano na ng Dios na magdulot iyon ng kabutihan na siyang nagligtas ng marami sa inyo… (sa taggutom).”

May mga nangyayari ba sa buhay mo na feeling mo ay sayang lang? Tingnan mo din itong nakasulat sa Salmo 139:16:

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang.
Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Dito natin makikitang ang lahat palang pangyayari sa life natin ay nakasulat sa book ni Lord. Paano kaya ito makakatulong sa iyo?

Ngayong araw, i-practice nating mag-agree kay Lord. Let’s say this out loud, “Ang lahat ng nangyayari sa akin ay nakasulat na sa aklat N'yo bago pa man ito mangyari.”

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Masterpiece Ka Nya

7-day Reading Plan Patungkol sa Psalm 139

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#subscribe