Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Masterpiece Ka NyaHalimbawa

Masterpiece Ka Nya

ARAW 7 NG 7

Alam mo bang pinili ka Nya? 🥰

Na-experience mo na bang ma-reject? Kahit anong sitwasyon nangyari ito, masakit siya. For example, ni-reject tayo ng ating mga friends, or maybe na-overlook sa trabaho, or kaya iniwan tayo ng special someone natin. Maraming nakaranas nito ang nade-depress or nagiging bitter.

Isang struggle ko ang pagiging sensitive sa rejection. Sa aming married life, may times na may lakad si Mark at naiwan ako, na nagfe-feel rejected ako. Buti na lang, napag-usapan namin ang mga ganitong sitwasyon. Pero na-realize din namin na more than sa pag-accept ng asawa, kailangan ko ding malaman may mas malaking storyline dito.

Anong storyline, kamo? Itong important truth, na pinili at gusto ako ni God. Tulad ng sinabi nya kay Jeremiah, na tinawag N'yang maging spokesperson N'ya:

Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa. (Jeremias 1:5 ASND)

Sa example ng buhay ni Jeremiah, makikita nating ito pala ang way ni Lord. Bago pa tayo isinilang, pinili na N'ya tayo. We’re chosen, therefore we’re beloved.

Do you see that? Kahit ano’ng nangyayari sa buhay mo ngayon, know this: pinili ka ni Lord, kaya sure na sure kang mahal ka N'ya.

Ito ang challenge namin sa iyo today: in what ways do you feel rejected? Sa school, work, o relationships ba? Dalhin mo ang feelings na ito kay Lord. Gusto N'yang makinig sa iyo. And then, ask mo Siya kung ano ang tingin N'ya sa iyo. Can you believe na pinili ka N'ya at hindi siya nagkakamali?

Sige, until sa next email! Tandaan mo, isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Masterpiece Ka Nya

7-day Reading Plan Patungkol sa Psalm 139

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day#subscribe