Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Relationship Kay GodHalimbawa

Relationship Kay God

ARAW 1 NG 3

Pwede ba tayong mag-usap about friendship?

Let’s talk about friendship. Sino ba ang best friend mo? Ano ba ang mga nagugustuhan mo sa friend na ito? Ano ba ang personality n'ya, o character n'ya? Magkapareho ba kayo ng hilig? Ano ba ang mga madalas nyong ginagawa?

May iba’t-ibang reasons tayo kung bakit nakikipagkaibigan with certain people but not with others. Usually, may mga similar values tayo sa friends natin. Pinipili din natin ang mga taong mapagkakatiwalaan. Hindi biglaan ang pag-develop ng friendship, di ba? Nag-i-start ito sa pag-spend ng time with each other, sa pagkikilala ng mga strengths and weaknesses natin, at pag-accept ng mga ito.

Alam mo bang pwede pala tayong maging friend ni God? Sa Bible, tinawag ni God si Abraham na “kaibigan ni God” (James 2:23 ASND: Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.”). Si Moses, ginamit ni God na to set free ang mga Israelites from Egypt, na-i-describe din sa Bible na:

Kapag nakikipag-usap ang PANGINOON kay Moises, magkaharap sila, katulad ng magkaibigan na nagkukwentuhan. (Exodus 33:11 ASND).

Ikaw ba, gusto mo din bang maging friend ni God? Pwede pala, kahit na holy Siya at tayo hindi. Nakasulat sa Bible na tinanggal Niya ang haliging nag-i-stop sa ating lumapit sa Kanya noong namatay Siya sa cross. (Insert Bible verse). Good news yan! That means, as long as tinatanggap natin ang Kanyang work sa cross, pwede na tayong lumapit sa Kanya, anytime, anywhere.

Ito ang tanong namin sa’yo today: in what ways ba nade-develop ang friendship? Kung sasabihin mong time, tama ka! So today, mag-isip ka ng time everyday kung kailan ka pwedeng makipag-usap kay Jesus. Mas prefer mo bang makipag-usap sa Kanya first thing in the morning? May ibang mas may time sa gabi bago matulog. Either way, do it everyday, kahit for 10 minutes lang muna.

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Relationship Kay God

3-day Reading Plan Patungkol sa Relationship Kay God

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day