Relationship Kay GodHalimbawa
Sinong celebrity ba ang idol mo?
Mahilig ka ba sa movies, concerts, o sports? May favorite ka bang artista, o singer, o other celebrity, like sports figure? Or baka may favorite kang author or influencer na pinapanood sa social media?
Yes, nakaka-impact sa atin ang mga taong pinapanood natin, binabasa, pinapakinggan. Most likely, ito ang mga taong ina-admire natin, kaya natutuwa tayong makinig o manood sa kanila.
Pero, kapag may problem ka, or may happy event na gustong i-share, malalapitan mo kaya ang mga taong ito? Malamang hindi, dahil hindi tayo magkakilala. Nakikita mo ba ang difference? Iba ang relasyon natin sa mga taong ito compared to those who are with us in our daily lives, di ba? Isipin mo ang iyong family, friends, classmates, co-workers, or kung sino-sino pa na pwede mong kausapin directly.
Alam mo ba may ganoong difference din when it comes sa relationship natin kay God? Marami sa atin ang nakakaalam about God: may mga ideas tayo about God, may mga stories tayong alam. Pero hindi natin Siya kakilala—na nakakausap, nalalapitan.
Alam mo ba ano ang sabi ni Jesus sa Bible?
Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. (Juan 17:3 MBB05)
Ipinakilala kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala upang ang pagmamahal mo sa akin ay mapasakanila at ako man ay mapasakanila. (Juan 17:26 ASND)
Nakikita mo ba? Gustong-gusto ni Jesus na makilala natin si God. Pwede palang makilala natin si God!
Kung hindi mo pa Siya kilala, you can start now. Pwede mo itong ipray: “Lord, hindi pa kita kilala, pero gusto kitang makilala. Tulungan Mo ako to get to know You. Amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
3-day Reading Plan Patungkol sa Relationship Kay God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day