Mga Pangalan Ni LordHalimbawa
Nafi-feel mo bang walang nakakita sa iyo?
May mga times ka rin bang feeling mo walang nakakakita sa iyo? Na parang nag-iisa ka lang sa lahat ng pinagdadaanan mo? Puwedeng mangyari ito sa mga oras na busy ang lahat ng loved ones natin, na parang wala tayong mapagkuwentuhan ng lahat ng difficult emotions natin. Or puwede rin itong mangyari kapag pakiramdam natin walang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan natin
Sa kinalakihan namin kung saan hindi masyadong involved ang parents sa buhay ng mga anak, naging common thought pattern ito sa amin ni Mark. Madaling mag-isip na laging hindi kami naiintindihan. Sometimes, nagiging cause ito ng totoong misunderstanding, dahil yan na ang nakatatak sa isip namin.
Pero alam mo ba na hindi pala ito totoo? It’s a lie pala to think na lagi na lang tayong hindi naiintindihan. Kasi, sa totoo, may nakakakita pala sa atin, at ito’y si Lord.
Sa Bible, may story about sa isang babaeng si Hagar. Kasambahay siya ng mayamang si Sarah, na asawa ni Abraham. Galit si Sarah kay Hagar at pinalayas nya ito, kasama ang anak nitong si Ishmael. Habang halos mamatay sa gutom at uhaw ang bata, na-encounter ni Hagar si Lord na tumulong sa kanya. Dito n'ya na-prove na si Lord pala ang nakakakita sa kanya. Tingnan natin ang nasabi n'ya:
Tinawag ni Hagar na “Diyos na Nakakakita” ang pangalan ng PANGINOON na nakipag-usap sa kanya, dahil sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Dios na nakakakita sa akin sa lugar na ito?” (Genesis 16:13 ASND)
Katulad ba ni Hagar, may pinagdadaanan kang mahirap at feeling mo walang nakakakita sa iyo? Ito ang good news: kahit ano pa ang nadarama mo, si Lord ang Siyang nakakita sa iyo.
Ipractice nating ipray ito, “Lord, salamat na nakikita Mo ako.”
Isa kang miracle!
Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe saMay Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Pangalan ni Lord
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day