Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Pangalan Ni LordHalimbawa

Mga Pangalan Ni Lord

ARAW 4 NG 7

May needs ka ba today?

Mayroon ka bang kailangan today na hindi mo alam kung saan kukunin? Maybe it’s a financial need, like kulang sa monthly budget, or may kailangang bayaran na malaking bill. Mahirap kapag wala tayong maisip na paraan, di ba?

Si Abraham ay isa ring character sa Bible na nag-struggle din ng ganito. Actually, sa kanya, hindi siya kulang sa pera; pero malungkot silang mag-asawa ni Sarah dahil wala silang anak. Wala namang mapuntahan ang lahat ng kayamanan nila!

Mababasa natin ang story na ito sa Genesis 12. To make a long story short, binigyan ni Lord si Abraham at Sarah ng sarili nilang anak na si Isaac. Pero tinest ni Lord si Abraham kung i-surrender ba niya itong beloved son nya. Habang papunta sila ni Isaac sa lugar kung saan gagawin ang sacrifice, nagtanong si Isaac, “‘Tay, asan ang tupa para sa sacrifice?”

Naku, napakasakit sigurong isipin ni Abraham na hindi alam ng anak niya na siya pala ang mismong isasacrifice ng ama! Pero ang sagot ni Abraham? “Ang Panginoon ang magbibigay ng kailangan natin, anak.”

At tama nga ang sinabi niya. Dahil sa exact moment na papatayin na sana ni Abraham ang anak niya bilang sacrifice, pinahinto siya ni Lord, at ipinakita sa kanya na totoo nga, may sheep doon sa tabi na puwede niyang gamitin na sacrifice.

Na-e-experience mo rin ba ang sobrang bigat ng kakulangan, na andami nating kailangan na walang sagot? Si Lord pala ay isang Provider. Natutuwa Siyang ibigay ang lahat ng kailangan natin.

Today, how about ilista natin sa isang prayer notebook ang mga kahilingan natin kay Lord? Matapos natin i-ask kay Lord ito, hintayin natin ang sagot Niya. Kung kailanman dumating ang mga answers, isulat natin sa tabi ng notes. In this way, we can celebrate ang pagiging Provider Niya.

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Mga Pangalan Ni Lord

7-day Reading Plan Patungkol sa Mga Pangalan ni Lord

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day