Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba sa Panahon ng AdbiyentoHalimbawa

Advent Adoration by Vertical Worship

ARAW 1 NG 4

Sana magkaroon ako ng bagong bisikleta.
Sana manalo ang koponan ko sa laban.
Sana magustuhan ako ng ibang tao.
Sana magkagusto siya sa akin.
Sana makapasok ako sa ganitong eskuwelahan.
Sana makuha ko ang gusto kong trabaho.
Sana mayroong gustong magpakasal sa akin.
Sana umangat ako sa trabaho.
Sana magkaroon ako ng mga anak.
Sana isa akong mabuting tao.
Sana maalis ko itong masamang ugali.
Sana hindi nila ako husgahan sa dumi ng bahay ko. 

Sana tumigil na itong nararamdaman ko.
Sana hindi ito para sa wala.
Sana hindi ako madismaya sa buhay ko.
Sana...
Sana...
Sana... 

Ang ating buhanakabalangkas ayon sa ating mga hangarin. 

Kawikaan 13:12:
“Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.” 

Tayo ay nakikipag-ayos sa gitna ng pagkabigo at katuparan ng ating mga buhay, di ba? 

Bilang mga bata, natutunan natin na kapag tayo ay naghangad ng isang bagay, isa lang ang kakahinatnan nito mula sa dalawang pagpipilian. Ginagawa natin lahat ng ating makakaya para makaiwas sa pagkabigo at para makuha ang katuparan. 

Isipin mo ito: minsan, mayroong isang lahi na walang pag-asa, at nangusap ang Diyos sa kanila sa pamamagitan ni propeta Isaias. 

Isaias 9:6:
“Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.” 

Kahanga-hanga, pero dagdagan mo ng 700 taong paghihintay

Lucas 2:12:
“... matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.” 

Mula sa propesiya ni Isaias hanggang sa kapanganakan ni Jesus ay higit kumulang sa 700 taon, bukod pa sa pagitan ng panahon ni Abraham at Jesus na higit kumulang sa 2,000 taon. 

Bagaman ang Diyos ay nangangako, wala itong petsa. Parang pamilyar? 

Karamihan ng ating pagkabalisa ay nanggagaling sa ating kakulangang maging matiyaga. Mali ang akala natin na ang “hindi pa” ay “hindi na.” (Pasok ang pagkadismaya!) 

1 Pedro 1:13b:
“... Maging mahinahon kayo at lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo.” 

Ang umasa sa Diyos ay ang pagiging matiyaga sa Diyos. Ito ang paniniwalang wala pa ang lahat ng kailangang malaman. Ito ang paniniwalang ang kuwento ay hindi pa tapos na isulat. Ito ang paniniwalang mayroon pa ring malalaman o ipapahayag. Ito ang paniniwalang, sa kabila ng paghihintay, ang isang sanggol ay ipapanganak, na Siyang “totoong Diyos ng totoong Diyos, ang Liwanag mula sa walang hanggang Liwanag.” 

Ang pag-asa ay nakaturo kay Cristo — ang Pananabik na ito ay matupad. 

Pahayag 22:2b:
“Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.” 

Ang ating buhay ay naka-balangkas ayon sa ating mga hangarin. Ang balangkas ay mahaba, pero mayroon itong kakahinatnan. 

Ayon sa pangitain ni Juan sa Pahayag, ito ay hahantong sa punongkahoy na nagbibigay-buhay. Tulad ng Kawikaan sa itaas, ang ating pananabik ay makakamtan. Hindi tayo mabibigo sa pag-asang ito. 

Ngayong kapaskuhan tumingin ka sa kinabukasang ipinangako sa iyo ng Diyos sa pamamagitan ng pagtingin sa sanggol, na dumating na. Ano ang nakikita mo? Isang bata lamang sa duyan? O isang kahoy na sabsaban na hawak ang Buhay mismo, nakaturo sa sukdulang punongkahoy na nagbibigay-buhay? 

Ito ang pag-asa. 

Sana makita mo ito. 

...

Panalangin: 

Cristo, Kayo nawa ang aking maging pag-asa. Tulungan Mo akong makita Ka. Tulungan Mo akong tumingin. 

GPagsasanay:
Gumawa ng isang balangkas ng iyong buhay simula nang ikaw ay umasa. Isulat hanggang maalala mo ang iyong nararamdaman, pero huwag manatili doon. Pag tapos ka na sa balangkas ng iyong buhay, isulat mo ito:    Nawa'y ang aking pananabik ay mapunan kay Cristo.
Pasalamatan ang Diyos sa mga kaparaanang ginagawa Niya upang matupad ang Kanyang mga pangako. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Advent Adoration by Vertical Worship

Pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, kagalakan. Ang mga salitang ito ay madalas bigkasin sa mga panahon ng kapaskuhan, ngunit naaalala ba natin kung bakit?  Ang kuwento ng Pasko ay ang kuwento kung paano namagitan ang Diyos sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagsilang ni Jesus. Ang buhay nina Maria, Jose, at ng mga pastol ay lubos na nabago ng kaganapang ito. Natagpuan nila ang pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, at kagalakan; sama-sama nating tandaan kung paano, sa pamamagitan ni Jesus, mahahanap din natin ito. 

More

Nais naming pasalamatan si Jon Guerra ng Vertical Worship at Essential Worship para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, maaring bisitahin ang: https://www.verticalofficial.com/