Pagsamba sa Panahon ng AdbiyentoHalimbawa
pag-ibig.
Lucas 1:26-28
Sa ikaanim na buwan ang anghel na si Gabriel ay ipinadala ng Diyos sa isang bayan ng Galilea na nagngangalang Nazaret, sa isang birhen na ikakasal sa lalaking nagngangalang Jose, na angkan ni David. At ang pangalan ng birheng ito ay Maria. At siya ay dumating sa kanya at sinabing, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”
Lahat tayo ay nasubukang makatanggap ng pangit na mga regalo. At hindi ko ibig sabihin na “niregaluhan mo ako nitong pangit na sweater?” na klase ng regalo. Ang ibig ko sabihin ay ang regalo na parang pag-asa sa iyo na nakabalot sa papel. Ang klase ng mga regalong ito, sa katunayan, ay hindi talaga regalo. Ito ay mga transaksyon, at kadalasan, nagmamanipula.
Halatang si Maria ay nakatanggap na rin ng mga pangit na regalo noon. Mahahalata sa kanyang pagtugon.
Lucas 1:29
“Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap”
Parang nagtataka si Maria sa kanyang sarili, “Anong klaseng regalo ito? Ano ang kailangan mo sa akin? Ano ang di ko nakikita sa di kapani-paniwalang pangyayaring ito?”
Tinuturuan tayo ng buhay na umasa na laging may kapalit sa ating mga natatanggap. Hinihintay natin na “maubos ating suwerte.” Iniisip natin na balang araw ay darating ang ating bayarin at hindi natin ito makakayang bayaran. Nararamdaman natin ang mga mabibigat na bagay na inaasahan sa atin, at kadalasan, halos hindi natin kayang ipanatili o gawin. Umaasa tayo ng mga bagay sa iba at nabibigo kapag hindi nila nagagawa.
Ito ang buhay na nasa transaksyon.
Pero ang pag-ibig ng Diyos ay iba. Ipinaaalala Niya sa atin, pati na rin kay Maria na, “walang kapalit.”
Lucas 1:30
Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos."
Ang “babaeng pinapaboran” ay nangangailangan ng paalala na siya ay “naging kalugud-lugod sa Diyos.” Lahat tayo ay nangangailangan ng paalala.
Inilalarawan ni C.S. Lewis sa kanyang librong “The Four Loves” ang tinatawag na regalong-pagmamahal.
Ang regalong-pagmamahal ay kabaliktaran ng transaksyon.Ang regalong-pagmamahal ay ang klase ng pag-ibig na walang inaasahan at hindi nangangailangan ng kapalit. Ito ay ayon sa nagbibigay nito. Sa ganitong klase ng pag-ibig, kailangan lamang ng tumatanggap angtanggapin ito.
Ganito ang klase ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Ang angkop na pagtugon sa ganitong pagmamahal ay isang aktibong-pasibong pagtugon. Isa itong postura ng puso na patungo sa pagtanggap. Hindi ito nagsasabi na “Gagawin ko ito,” sa halip ay, “hayaang mangyari.”
Lucas 1:38b
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.”
Ipinaubaya ni Maria ang kanyang sarili sa Diyos, hindi dahil sa pamimilit, tungkulin o pagpuwersa— pero dahil sa pag-ibig. Ang regalong-pagmamahal ng Diyos ay nagbubunga ng pagmamahal sa puso ni Maria.
Ito ang pinagtatalunang punto para sa ating lahat ng mga mahilig-sa-transaksyon (basahin: tayong lahat).
Ang regalong-pagmamahal ay nagbubunga! Ito ay nagbubunga ng pag-ibig! Ang regalong-pagmamahal ay kusang-loob na nagbubunga at galing sa puso na ang transaksyong-pagmamahal, sa lahat ng kinahuhumalingan nito, ay hindi kayang gayahin.
Kung hindi ka naniniwala sa akin, narito ang tugon ni Maria sa regalong-pagmamahal ng Diyos:
Lucas 1:46-55
At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal! sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad; Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, at naalala ito upang kanyang kahabagan. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
Si Maria ay nagsasabing “ginawa Niya!” siyam na beses sa iba't-ibang paraan sa maikling tulang ito. Ang lahat ng ito ay tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga nagawa! Kung pag-uusapan ang Diyos ng regalong-pagmamahal, mapapansin mo ang pamamaraan ng Kanyang pagmahal. Hindi mo mapipigilang purihin Siya. Hindi mo mapipigilang mahalin Siya.
Ngayong Pasko, tandaan mo na ang pag-ibig ng Diyos ay regalong-pagmamahal. Kailanman ay mananatiling ganito.
Hayaan mong mangyari.
…
Panalangin:
Panginoon, ipaalala mo sa akin ang iyong regalong-pagmamahal. Tulungan mo akong tanggapin ito. Amen!
Pagsasanay:
Gumawa ng listahan ng mga paraan kung saan nadarama mo na ang iyong relasyon sa Diyos ay transaksyonal. Ano ang mga “maging ganito ka kundi” o “gawin mo ito kundi” na mga ugali o pag-iisip na maitatapat mo at maihihingi ng tawad?
Pagkatapos mong kilanlin ang sariling mga transaksyonal na pagmamahal na ugali, pasalamatan mo ang Diyos na ang Kanyang pag-ibig ay malayo kung ikukumpara sa pag-ibig mo.
Magsulat ng panalangin ng pagpupuri, isang tula, na nagpapasalamat sa Kanyang regalong-pagmamahal.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, kagalakan. Ang mga salitang ito ay madalas bigkasin sa mga panahon ng kapaskuhan, ngunit naaalala ba natin kung bakit? Ang kuwento ng Pasko ay ang kuwento kung paano namagitan ang Diyos sa ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagsilang ni Jesus. Ang buhay nina Maria, Jose, at ng mga pastol ay lubos na nabago ng kaganapang ito. Natagpuan nila ang pag-asa, pagmamahal, kapayapaan, at kagalakan; sama-sama nating tandaan kung paano, sa pamamagitan ni Jesus, mahahanap din natin ito.
More