Mga taga-Israel, tumakas kayo papunta sa mga kweba at mga hukay para magtago sa galit ng PANGINOON at sa kanyang kapangyarihan. Darating ang araw na tanging ang PANGINOON lamang ang pupurihin. Ibabagsak niya ang mayayabang at mga mapagmataas. Sapagkat nagtakda ang PANGINOONG Makapangyarihan ng araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan. Puputulin niya ang lahat ng matataas na puno ng sedro sa Lebanon at ang lahat ng puno ng ensina sa Bashan. Papantayin niya ang lahat ng matataas na bundok at burol, at wawasakin ang lahat ng matataas na tore at pader. Palulubugin niya ang lahat ng barko ng Tarshish at ang mga naggagandahang sasakyang pandagat. Ibabagsak nga niya ang mayayabang at mga mapagmataas. Tanging ang PANGINOON ang maitataas sa araw na iyon. At tuluyan nang mawawala ang mga dios-diosan. Kapag niyanig na niya ang mundo, tatakas ang mga tao papunta sa mga kweba sa burol at sa mga hukay sa lupa para magtago sa galit ng PANGINOON at sa kanyang kapangyarihan. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga rebulto nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin. Tatakas nga sila papunta sa mga kweba sa burol at sa malalaking bato para magtago sa galit ng PANGINOON at sa kanyang kapangyarihan kapag niyanig na niya ang mundo. Huwag kayong magtitiwala sa tao. Mamamatay lang din sila. Ano ba ang magagawa nila?
Basahin Isaias 2
Makinig sa Isaias 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Isaias 2:10-22
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas