Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, mula sa pagkatakot sa PANGINOON at sa karangalan ng kanyang kamahalan. Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay ibababa, at ang kapalaluan ng mga tao ay pangungumbabain, at ang PANGINOON lamang ang itataas sa araw na iyon. Sapagkat may araw ang PANGINOON ng mga hukbo laban sa lahat ng palalo at mapagmataas, laban sa lahat ng itinaas at ito'y ibababa; laban sa lahat ng sedro ng Lebanon, na matayog at mataas; at laban sa lahat ng ensina ng Basan; laban sa lahat ng matataas na bundok, at laban sa lahat ng mga burol na matayog, laban sa bawat matayog na tore, at laban sa bawat matibay na pader, laban sa lahat ng mga sasakyang-dagat ng Tarsis, at laban sa lahat ng magagandang barko. At ang kahambugan ng tao ay hahamakin, at ang pagmamataas ng mga tao ay ibababa; at ang PANGINOON lamang ang itataas sa araw na iyon. Ang mga diyus-diyosan ay mapapawing lubos. Ang mga tao ay papasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga butas ng lupa, sa harapan ng pagkatakot sa PANGINOON, at sa karangalan ng kanyang kamahalan, kapag siya'y bumangon upang yanigin ang lupa. Sa araw na iyon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diyus-diyosang pilak, at ang kanilang mga diyus-diyosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa mga daga at mga paniki; upang pumasok sa mga siwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga bangin, sa harapan ng pagkatakot sa PANGINOON, at sa karangalan ng kanyang kamahalan, kapag siya'y bumangon upang yanigin ang lupa. Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kanyang ilong, sapagkat ano siya para pahalagahan?
Basahin ISAIAS 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ISAIAS 2:10-22
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas