Sabihin mo sa akin, ikaw na minamahal ng aking kaluluwa, saan ka nagpapastol ng iyong kawan, saan mo pinahihiga sa katanghalian; sapagkat bakit ako'y magiging gaya ng nalalambungan, sa tabi ng mga kawan ng iyong mga kasamahan? Kung hindi mo nalalaman, O ikaw na pinakamaganda sa mga babae, sumunod ka sa mga landas ng kawan, at ipastol mo ang mga anak ng kambing sa tabi ng mga tolda ng mga pastol. Aking itinutulad ka, O aking sinta, sa isang kabayo sa mga karwahe ni Faraon. Pinagaganda ng mga pahiyas ang iyong mga pisngi, ang iyong leeg ng mga kuwintas na palamuti. Igagawa ka namin ng mga gintong kuwintas, na may mga pilak na pahiyas. Samantalang ang hari ay nasa kanyang hapag, ang aking nardo ay nagsasabog ng kanyang kabanguhan. Ang aking mahal ay gaya ng supot ng mira para sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking dibdib.
Basahin ANG AWIT NG MGA AWIT 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ANG AWIT NG MGA AWIT 1:7-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas