Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 3:9-38

LUCAS 3:9-38 ABTAG

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy. At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin? At sinagot niya at sinabi sa kanila, Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin. At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin? At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo. At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo. At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo; Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy: Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay. Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita; Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes, Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan. Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit, At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod. At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli, Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose, Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage, Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda, Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri, Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er, Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi, Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim, Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David, Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason, Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda, Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor, Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah, Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec, Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan, Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios.