Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:129-176 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Mga Awit 119:129-176 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo; lahat aking iingata't susundin nang buong puso. Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan. Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan, na matamo yaong aking minimithing kautusan. Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin, at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin. Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaang mahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay. Sa sinumang naghahangad na ako ay alipinin, iligtas mo ang lingkod mo't ang utos mo ang susundin. Sa buhay ko'y tumanglaw ka at ako ay pagpalain, at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin. Parang agos na ng batis ang daloy ng aking luha, dahilan sa mga taong sa utos mo'y sumisira. Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin, sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab, pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak. Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis, kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig. Kung ako ma'y walang saysay at kanilang itinakwil, gayon pa man, ang utos mo'y hindi pa rin lilimutin. Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas, katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas. Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin, ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw. Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan, bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay. Buong pusong tumatawag itong iyong abang lingkod; ako'y iyong dinggin, Yahweh, at susundin ko ang utos. Tumatawag ako, Yahweh, sa iyo ay dumaraing, iligtas mo ako ngayon nang ang utos mo ay sundin. Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak. Hindi ako makatulog, magdamag na laging gising, at ang aking binubulay ay ang bigay mong aralin. Ako'y dinggin mo, O Yahweh, ayon sa iyong pag-ibig, iligtas mo ang buhay ko yamang ikaw ay matuwid. Palapit na nang palapit ang sa aki'y umuusig, mga taong walang galang sa utos mong sakdal tuwid. Ngunit ikaw, O Yahweh, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitiwan mo sa akin ay totoo. Iyang mga tuntunin mo'y matagal nang aking talos, ang utos na ginawa mo'y walang hanggang mga utos. Ang taglay kong paghihirap ay masdan mo at lunasan, pagkat aking sinusunod ang banal mong kautusan. Ako'y iyong ipagtanggol at ako ay tubusin, dahil iyan ang pangakong binitiwan mo sa akin. Iyang mga masasama'y tiyak na di maliligtas, dahilan sa kautusang hindi nila ginaganap. Sa iyong habag, O Yahweh, ay wala nang makapantay, kaya ako ay iligtas, ayon sa iyong kapasyahan. Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin, ngunit ang iyong kautusan ay patuloy kong susundin. Nagdaramdam akong labis kapag aking namamasdan, yaong mga taong taksil na laban sa kautusan. Nalalaman mo, O Yahweh, mahal ko ang iyong utos, iligtas mo ako ayon sa pag-ibig mong taos. Ang buod ng kautusa'y batay sa katotohanan, ang lahat ng tuntunin mo'y pawang walang katapusan. Mga taong namumuno na kulang sa katarungan, usigin man nila ako, susundin ko'y iyong aral. Dahilan sa pangako mo, nagagalak yaring buhay, katulad ko ay taong nakatuklas noong yaman. Sa anumang di totoo muhi ako't nasusuklam, ang tunay kong iniibig ay ang iyong kautusan. Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad. Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal. Hinihintay kita, O Yahweh, upang ako ay iligtas, ang lahat ng iyong utos ay akin ngang tinutupad. Tinutupad ko ang utos at lahat mong mga aral, buong pusong iniibig ang buo mong kautusan. Sinusunod ko ang iyong kautusa't mga aral, ang anumang gawain ko ay kita mo't namamasdan. O Yahweh, tanggapin mo ang daing ko na tulungan, at ayon sa pangako mo, pang-unawa ako'y bigyan. Hayaan ang dalangin ko ay dumating sa iyo, O Diyos, sang-ayon sa pangako mo, iligtas ang iyong lingkod. Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid. Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan, sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay. Nasasabik ako, Yahweh, sa pangakong pagliligtas, natamo ko sa utos mo, ang ligaya at ang galak. Upang ako ay magpuri, ako'y bigyan mo ng buhay, matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral. Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.

Mga Awit 119:129-176 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Kahanga-hanga ang inyong mga turo, kaya sinusunod ko ito nang buong puso. Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga kulang sa kaalaman. Labis kong hinahangad ang inyong mga utos. Masdan ninyo ako at kahabagan, gaya ng lagi ninyong ginagawa sa mga umiibig sa inyo. Patnubayan ninyo ako ng inyong mga salita, at huwag ninyong hayaang akoʼy pagharian ng kasamaan. Iligtas ninyo ako sa mga nang-aapi sa akin, upang masunod ko ang inyong mga tuntunin. Ipakita ninyo sa akin na inyong lingkod ang inyong kabutihan, at turuan ninyo ako ng inyong mga tuntunin. Labis akong umiiyak dahil hindi sinusunod ng mga tao ang inyong kautusan. Matuwid kayo, PANGINOON, at tama ang inyong mga paghatol. Ang inyong ibinigay na mga turo ay matuwid at mapagkatiwalaan. Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita. Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod. Kahit mahirap lang ako at inaayawan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga tuntunin. Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan. Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan. Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay. PANGINOON, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Tumatawag ako sa inyo; iligtas ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako. Akoʼy nagpuyat nang buong magdamag, upang pagbulay-bulayan ang inyong mga pangako. PANGINOON, dinggin ninyo ako ayon sa inyong pagmamahal; ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong paghatol. Palapit na nang palapit ang masasamang umuusig sa akin, ang mga taong tumatanggi sa inyong kautusan. Ngunit malapit kayo sa akin, PANGINOON; at ang inyong mga utos ay maaasahan. Sa pag-aaral ko ng inyong mga turo, naunawaan ko noon pa man na ang inyong mga katuruan ay magpapatuloy magpakailanman. Masdan ninyo ang dinaranas kong paghihirap at akoʼy inyong iligtas, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong kautusan. Ipagtanggol ninyo ako at iligtas, ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako. Hindi maliligtas ang masasamâ, dahil hindi nila ipinamumuhay ang inyong mga tuntunin. Napakamaawain ninyo PANGINOON; ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong paghatol. Marami ang umuusig sa akin, ngunit hindi ako lumayo sa inyong mga turo. Kinasusuklaman ko ang mga hindi tapat sa inyo, dahil hindi nila sinusunod ang inyong salita. Tingnan ninyo PANGINOON kung paano ko sinusunod ang inyong mga tuntunin. Ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong tapat na pag-ibig. Totoo ang lahat ng inyong salita, at ang inyong mga utos ay makatuwiran magpakailanman. Inuusig ako ng mga namumuno nang walang dahilan, ngunit salita lamang ninyo ang aking kinatatakutan. Nagagalak ako sa inyong mga pangako, tulad ng isang taong nakatuklas ng malaking kayamanan. Namumuhi ako at nasusuklam sa kasinungalingan, ngunit iniibig ko ang inyong kautusan. Pitong beses akong nagpupuri sa inyo bawat araw dahil matuwid ang inyong mga utos. Magiging payapaʼt tiwasay ang kalagayan ng mga umiibig sa inyong kautusan, at silaʼy hindi mabubuwal. PANGINOON umaasa ako na akoʼy inyong ililigtas, at sinusunod ko ang inyong mga utos. Buong puso kong iniibig ang inyong mga turo, at itoʼy sinusunod ko. Ang lahat kong ginagawa ay inyong nalalaman, kaya sinusunod ko ang inyong mga tuntunin at katuruan. PANGINOON, pakinggan sana ninyo ang aking hinaing. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa ayon sa inyong pangako. Sanaʼy dinggin ninyo ang aking dalangin, at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako. Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan ninyo ako ng inyong mga tuntunin. Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat ng inyong mga utos. Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin. PANGINOON, nananabik ako sa inyong pagliligtas. Ang kautusan ninyo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan. Panatilihin ninyo ang aking buhay para kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban. Para akong tupang naligaw at nawala, kaya hanapin ninyo ako na inyong lingkod, dahil hindi ko kinakalimutan ang inyong mga utos.

Mga Awit 119:129-176 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Lubos akong humahanga sa bigay mong mga turo; lahat aking iingata't susundin nang buong puso. Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan. Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan, na matamo yaong aking minimithing kautusan. Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin, at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin. Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaang mahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay. Sa sinumang naghahangad na ako ay alipinin, iligtas mo ang lingkod mo't ang utos mo ang susundin. Sa buhay ko'y tumanglaw ka at ako ay pagpalain, at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin. Parang agos na ng batis ang daloy ng aking luha, dahilan sa mga taong sa utos mo'y sumisira. Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin, sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab, pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak. Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis, kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig. Kung ako ma'y walang saysay at kanilang itinakwil, gayon pa man, ang utos mo'y hindi pa rin lilimutin. Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas, katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas. Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin, ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw. Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan, bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay. Buong pusong tumatawag itong iyong abang lingkod; ako'y iyong dinggin, Yahweh, at susundin ko ang utos. Tumatawag ako, Yahweh, sa iyo ay dumaraing, iligtas mo ako ngayon nang ang utos mo ay sundin. Madilim pa, ang lingkod mo ay gising na't tumatawag, sa pangako mong iniwan, pag-asa ko'y nakalagak. Hindi ako makatulog, magdamag na laging gising, at ang aking binubulay ay ang bigay mong aralin. Ako'y dinggin mo, O Yahweh, ayon sa iyong pag-ibig, iligtas mo ang buhay ko yamang ikaw ay matuwid. Palapit na nang palapit ang sa aki'y umuusig, mga taong walang galang sa utos mong sakdal tuwid. Ngunit ikaw, O Yahweh, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitiwan mo sa akin ay totoo. Iyang mga tuntunin mo'y matagal nang aking talos, ang utos na ginawa mo'y walang hanggang mga utos. Ang taglay kong paghihirap ay masdan mo at lunasan, pagkat aking sinusunod ang banal mong kautusan. Ako'y iyong ipagtanggol at ako ay tubusin, dahil iyan ang pangakong binitiwan mo sa akin. Iyang mga masasama'y tiyak na di maliligtas, dahilan sa kautusang hindi nila ginaganap. Sa iyong habag, O Yahweh, ay wala nang makapantay, kaya ako ay iligtas, ayon sa iyong kapasyahan. Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin, ngunit ang iyong kautusan ay patuloy kong susundin. Nagdaramdam akong labis kapag aking namamasdan, yaong mga taong taksil na laban sa kautusan. Nalalaman mo, O Yahweh, mahal ko ang iyong utos, iligtas mo ako ayon sa pag-ibig mong taos. Ang buod ng kautusa'y batay sa katotohanan, ang lahat ng tuntunin mo'y pawang walang katapusan. Mga taong namumuno na kulang sa katarungan, usigin man nila ako, susundin ko'y iyong aral. Dahilan sa pangako mo, nagagalak yaring buhay, katulad ko ay taong nakatuklas noong yaman. Sa anumang di totoo muhi ako't nasusuklam, ang tunay kong iniibig ay ang iyong kautusan. Araw-araw, pitong beses akong nagpapasalamat, sa lahat ng kahatulang matuwid mong iginawad. Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal. Hinihintay kita, O Yahweh, upang ako ay iligtas, ang lahat ng iyong utos ay akin ngang tinutupad. Tinutupad ko ang utos at lahat mong mga aral, buong pusong iniibig ang buo mong kautusan. Sinusunod ko ang iyong kautusa't mga aral, ang anumang gawain ko ay kita mo't namamasdan. O Yahweh, tanggapin mo ang daing ko na tulungan, at ayon sa pangako mo, pang-unawa ako'y bigyan. Hayaan ang dalangin ko ay dumating sa iyo, O Diyos, sang-ayon sa pangako mo, iligtas ang iyong lingkod. Ako'y laging magpupuri, lagi kitang pupurihin, pagkat ako'y tinuruan ng aral mo at tuntunin. Dahilan sa pangako mo, ako ngayon ay aawit, sapagkat ang iyong utos ay marapat at matuwid. Humanda ka sa pagtulong, ito'y aking kailangan, sapagkat ang susundin ko'y ang utos mong ibinigay. Nasasabik ako, Yahweh, sa pangakong pagliligtas, natamo ko sa utos mo, ang ligaya at ang galak. Upang ako ay magpuri, ako'y bigyan mo ng buhay, matulungan nawa ako ng tuntunin mo at aral. Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.

Mga Awit 119:129-176 TLAB (Ang Biblia)

Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang. Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo. Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan. Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan. Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo. Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo. Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako. Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo. Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita. Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo. Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan. Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan. Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan. Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man. Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo. Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan. Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo. Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo. Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob. Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita. Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam. Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan. Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod. Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo. Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam, Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo. Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita. Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.

Mga Awit 119:129-176 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))

Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; Kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; Nagbibigay ng unawa sa walang muwang. Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; Sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo. Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, Gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan. Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; At huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan. Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: Sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo. Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; At ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; Sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo. Matuwid ka, Oh Panginoon, At matuwid ang mga kahatulan mo. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran At totoong may pagtatapat. Tinunaw ako ng aking sikap, Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. Ang salita mo'y totoong malinis; Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. Ako'y maliit at hinahamak: Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, At ang kautusan mo'y katotohanan. Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako. Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: Iingatan ko ang iyong mga palatuntunan. Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, At aking tutuparin ang mga patotoo mo. Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: Ako'y umasa sa iyong mga salita. Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, Upang aking magunita ang salita mo. Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan. Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; Sila'y malayo sa iyong kautusan. Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; At lahat mong utos ay katotohanan. Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, Na iyong pinamalagi magpakailan man. Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: Buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Kaligtasan ay malayo sa masama; Sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo. Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: Buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan. Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; Gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo. Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; Sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo. Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: Buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob. Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; At bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man. Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; Nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita. Ako'y nagagalak sa iyong salita, Na parang nakakasumpong ng malaking samsam. Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; Nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig. Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, Dahil sa iyong matutuwid na kahatulan. Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod. Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo. Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; At iniibig kong mainam, Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; Sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo. Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: Bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita. Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: Iligtas mo ako ayon sa iyong salita. Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; Sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan. Awitin ng aking dila ang iyong salita; Sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran. Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; Sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin. Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: At ang iyong kautusan ay aking kaaliwan. Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; At tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan. Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; Sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.