Ang IpinangakoHalimbawa
Mula sa Kadiliman
Naranasan mo na bang mapunta sa isang lugar na pawang kadiliman? Isipin mong ikaw ay napapaligiran ng mga tao sa isang lugar na walang ilaw. Biglang may narinig kang sigaw, isang pahayag ng pag-asa na nagsasabing ang Liwanag ay paparating na! Ano ang iyong mararamdaman?
Ang wika sa Isaias 9:2,
“Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.”
Pitong daang taon bago ang kapanganakan ni Jesus, hinulaan ni propeta Isaias na si Jesus ang Liwanag. Nakasulat sa Lucas 1 ang paghahanda para sa Kanyang pagdating. Dahil hindi magkaanak si Elisabet noong siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang, hiniling ni Zacarias sa Diyos ang isang imposible bagay na sa kanyang katandaan: ang isang anak. Ipinadala ng Diyos si Gabriel, hindi lamang upang tumugon sa isang dasal, kundi upang magpahayag ng himala. Tumugon ang Diyos ng mas magandang plano. Ang anak ni Zacarias ang maghahanda sa mga tao para sa pagdating ng Liwanag.
Ang bata ay hindi pinangalanan ng kanyang ama sa lupa, kundi ng kanyang Ama sa Langit. Ang ibig sabihin ng “Juan" ay “ang Diyos ay mabiyaya.” At dahil sa kanyang buhay, ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus ay maipamamalita sa mga tao.
Bagamat ang naghatid ng balita ay ang anghel na si Gabriel, nahirapan maniwala si Zacarias sa pahayag nito. Alam niya ang mga pagsubok at kalagayan ng pagiging matanda, ngunit hindi niya lubos maisip kung ito nga ay kayang pagtagumpayan. Bilang tanda ng kapangyarihan ng Diyos, ginawang pipi si Zacarias ng anghel na si Gabriel. Hanggang hindi natutupad ang pangako ng Diyos, at hanggang hindi naipapanganak ang bata, hindi makakapagsalita si Zacarias bilang pagsaalang-alang sa kapangyarihan ng Diyos at ng pangakong ipinagkaloob sa kanya.
Ang mga huling salita ni Zacarias kay Gabriel ay pagtanong tungkol sa mga limitasyon ng kanyang pangangatawan. Ngunit kayang gawin ng Diyos ang imposible. Hindi Siya nahahadlangan ng mga mahirap na bagay o kalalagayan sa mundong ito. Nadadaig ng Kanyang mensahe ang anumang sagabal. Kahit pa man ang mga tao ay nasa kadiliman, ang Liwanag ay dumating upang ipakita Niya ang daan tungo sa kaligtasan.
Hiniling mo na ba sa Diyos na tugunin Niya ang iyong panalangin sa oras ng kagipitan o kawalang pag-asa? Sa iyong palagay, mayroon bang hadlang sa kayang gawin ng Diyos at kung paano Siya kumikilos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
More
Nais naming pasalamatan ang Lumo at OneHope sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.lumoproject.com/