Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang IpinangakoHalimbawa

Ang Ipinangako

ARAW 4 NG 5

Liwanag ng Sanlibutan

Lahat tayo ay nakaranas na ng kadiliman sa iba’t ibang paraan—mapa-pisikal man, emosyonal, sa pag-iisip, o espirituwal. Kapag kailangan natin ng tulong o pag-asa, hindi sapat na alam natin ang ilaw ay nagliliwanag sa ibang lugar. Hindi natin kailangan ang kaalaman na ang ilaw ay nandiyan. Ang kailangan ay ang kasama natin ang liwanag. Ang kalapitan ng liwanag ang siyang magbibigay sa atin ng pag-asa sa ating mga sitwasyon.  

Ang ilaw ay gumagana kasabay ng ating mga mata. Ang paningin ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng liwanag. Sa Lucas 2, nagpakita ang anghel sa mga pastol (Lucas 2:9). Ang mga pastol ay nagpunta sa Bethlehem upang makita ang pangyayaring ibinalita sa kanila ng anghel (Lucas 2:15) at nagpuri sila sa Diyos nang makita nila ang pagdating ni Jesus (Lucas 2:20). 

Pagkaraan ng walong araw, dinala si Jesus sa templo upang ihandog. Naghihintay doon si Simeon dala ang pangakong galing sa Diyos. Nang malaman niyang dumating na si Jesus na Mesiyas, siya ay umawit:  

“Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.” (Lucas 2:30-32) 

Ang liwanag ni Jesus ang nagbukas sa mga mata ni Simeon upang makita niya ang kaligtasan na nilaan ng Diyos. Hindi lamang ito para sa isang bayan o bansa; ito ay para sa buong sanlibutan! 

Nilisan ni Jesus ang langit patungo sa kadiliman ng mundo bilang isang sanggol. Ayon sa Bibliya, ang tawag dito ay “pagkakatawang-tao.” Dahil sa pagmamahal sa atin ng Diyos, siya ay nagkatawang-tao. Ang kanyang ilaw ang nagbigay liwanag upang mahayag ang daan patungong kaligtasan at pabalik sa ating Ama sa Langit. Tunay na napakagandang plano ng kamangha-manghang pagmamahal ng Diyos ito! 

Sa pamamagitan ni Jesus, naparito sa lupa ang Diyos. Naging malapit ang Diyos sa atin. Kahit hindi mo nararamdaman ang Diyos, ang kaniyang presensya ay kasama mo ngayon. Paano nakakaapekto ang katotohanang ito sa iyo? 

Panalangin sa araw na ito:

Panginoon, salamat po sa liwanag ng inyong Anak. Buksan po ninyo ang aking mga mata upang aking makita ang inyong kaligtasan at upang lubos kong maranasan ang inyong walang humpay na pagmamahal sa akin. Nawa ay maibahagi ko ang mensahe ng pag-asa na ito hindi lamang sa aking lungsod at bansa kundi sa buong mundo. Amen. 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Ipinangako

Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.

More

 

Nais naming pasalamatan ang Lumo at OneHope sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.lumoproject.com/