Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna LightHalimbawa

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

ARAW 5 NG 7

Kapag tayo ay naghahambing at nakakaramdam ng kakulangan dapat nating itanong: ang mga bagay ba na ninanais kong mayroon ako ay bagay na kaya kong makamtan kung pagsikapan ko ito? Ang mga bagay ba na kinaiinggitan ko ay mga bagay na gusto ng Diyos na gawin sa buhay ko? Siguro hindi natin dapat pigilan ang paghahambing at pagka-inggit. Siguro dapat dalhin natin ito sa Diyos nang may pagpapakumbaba at hingin ang Kanyang gabay. 

Maaaring hindi mo mababago ang tipo ng iyong katawan, pero kaya mo bang tanggalin ang timbang na nagdudulot ng iyong kalungkutan? Kaya mo bang pintahan ang mga cabinet ng iyong kusina para bigyan ng preskong hitsura ang iyong tahanan? Maaari mo bang pag-ugnaying muli ang nasirang relasyon? Pumunta sa pagpapayo sa pagsasama? Ayusin ang sarili habang walang asawa? Ayusin ang budget para magkaroon ng mas maraming pera para gastusin? 

Maaari kayang ginagamit ng Diyos ang paghahambing at pagka-inggit para ituro ka sa direksyon na gusto Niyang puntahan mo?

Nangyari sa akin ang mismong bagay na ito. 

Isang babaeng kababata ko ang tila mayroon ng lahat. Maganda siya, puno ng buhay, at sikat sa lahat. Natagpuan ko ang sarili ko na nagkukumpara at inisiip ko na siguro kung katulad niya ako hindi ko sana kamumuhian nang husto ang sarili ko. 

Sa pagkahumaling ko sa buhay ng batang babaeng ito, nakita ko ang isang bagay na bukod-tanging nanatiling hindi nagbabago.

Si Jesus. 

Kitang-kita ang pinanggagalingan ng kanyang lakas, pag-asa at tiwala ay mula sa bagay na higit na malaki sa kanya at ang magandang balita ay maaari ring magkaroon ako nito kung pagsisikapan ko ito. Iyon ang ginawa ko.

Ilang taon ang nakalipas ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang babae na ikinukumpisal ang kanyang pagka-inggit sa akin. Sinabi niya sa akin, "Iniisip ko na kung magiging tulad lang ako ni Anna, magugustuhan ko ang sarili ko.” 

Nasabi ko sa kanya ang parehong bagay na ipinakita ng Diyos sa akin: “Hindi mo gustong maging ako. Gusto mo lang ang kalayaang nakikita mo, at ang magandang balita ay makukuha mo ito kung pagsisikapan mo lang ito.” 

Ang totoo, ang mabilis nating paghahambing base sa kung ano ang nakikita natin sa labas ay pinipigilan tayong makilala ang puso o kwento ng taong iyon. 

Bago ko natutunan ito, lihim kong ikinakainis ang ginagawa ng Diyos sa buhay ng iba, lalo na kung ang gawaing iyon ay mukhang tagumpay. Hindi ako nay-sayer, ako ay no-sayer. Para sa akin, mas malala iyon. Ang pagdiriwang ng gawain ng Panginoon sa buhay ng isang tao ay hindi nakakabawas sa gawain ng Diyos sa buhay mo. Sa katunayan, ang HINDI pagdiriwang kasama ng iba ay maaaring maka-apekto sa pagnanais ng Diyos na gumawa sa pamamagitan mo. Kung nakikita mo ang sarili mo na naiinis sa tagumpay sa buhay ng iba, lampasan ang muog na iyon ng may pagpapatibay-loob, at tanungin ang iyong sarili kung ano ang dapat mong gawin para makapag-trabaho. 

Mayroon bang bagay sa buhay mo na hindi ka masaya at may kapangyarihan kang baguhin? 

Ano ang pumipigil sa iyo na gumawa ng pagbabago? 

Panginoon, nais kong dalhin ang aking paghahambing at inggit sa iyo at humingi ng direksyon para sa aking buhay. Itinuturo Mo ba sa akin ang direksyong dapat kong tahakin? Buksan Mo ang mga mata ko sa kung ano ang maaaring sinasabi Mo sa sandaling ito habang dinadala ko ang mga bagay na ito sa Iyo. Tulungan Mo akong maging tagapagpatibay ng loob sa iba, dahil alam kong mahal Mo ako ng tulad ng pagmamahal Mo sa sinuman.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo. 

More

Nais naming pasalamatan si Anna Light (LiveLaughLight) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.livelaughlight.com

Mga Kaugnay na Gabay