Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna LightHalimbawa

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

ARAW 7 NG 7

Sa umpisa ng ating gabay, nalaman natin na ang paghahambing ay mula sa kakulangan. Kakulangan sa pang-unawa kung sino ang Diyos, at sino tayo dahil sa Kaniya. 

Kumbinsido ako na ang ating kawalan ng kakayahan na manatili sa Kanya araw-araw ay dahil wala tayong lubusang pag-unawa sa Kanyang tunay na kalikasan. Hindi Siya isang galit na mapanira ng ligaya, na pinapanood tayo mula sa langit at hinihintay kung kailan tayo magkakamali. Hindi Niya tayo pinagkakaitan. Hindi Niya tayo hinuhusgahan, hinahatulan, o nakakaranas ng anumang negatibong emosyon sa atin. Siya ay Diyos na nagmamahal sa atin nang malalim, na kasing lapit sa atin gaya ng pintig ng ating puso.

Siya ay walang-hanggang kumpleto. Wala Siyang kakulangan. Dahil sa ginawa ni Jesus sa krus nagkaroon tayo ng espiritu ng Diyos na nananahan sa ating kalooban. Kaya wala rin tayong kakulangan.

Pagdating sa paghahambing, kailangan lamang nating tandaan: ang bawat isa sa atin ay kapahayagan ng kalikasan ng Diyos—isang aspeto ng Kanyang katangian na gusto Niyang malaman ng mundo. 

Alam mo ba kung aling katangian ng Panginoon ang Kanyang inihahayag sa pamamagitan mo?

Ikaw ba ay: 

Maayos, Mahabagin, Responsable, Malikhain, Malayang-loob, Disiplinado, Mabait, Nakakatuwa, Matalino, Masidhi, Tahimik, Isang mabuting tagapakinig, Mapag-aruga, Mapagkumpitensya, Mahinahon, Marubdob…Inilagay Niya sa iyo ang isang aspeto ng Kanyang sarili. Ang Diyos ay maraming katangian! Kailangan Niya ng buong sangkatauhan para ipahayag kung Sino Siya para sa atin!

Ang alamin kung sino ka at ang mga natatanging katangian na iniregalo Niya sa iyo ay magbibigay sa iyo ng tiwala na gawin ang tama kung ikaw ay natutuksong magkumpara. Tanungin mo ang iyong sarili, “Ano ang ipinakikita ng taong ito sa akin tungkol sa Diyos?” 

Kung ano ang ibinabahagi nila sa social media tanungin mo, “Anong katangian ng Diyos ang nakikita ko sa taong ito?” 

Sa iyong pakikisalamuha sa iba, “Ano ang ipinapahayag sa akin ng Diyos sa interaksyon na ito?” 

Kung ikaw ay nakakaramdam ng banta sa talento o tagumpay ng iba, “Paano ko ipagdiriwang ang ginagawa ng Diyos sa buhay ng taong ito?” 

Kapag lumago ka na sa iyong sariling pagkakakilanlan at nagkaroon ng kumpiyansa sa kung sino ang nilalang ng Diyos sa iyo,  hindi lamang makapag-iisip ka ng mga positibong bagay kung hindi masasabi mo pa ito nang malakas. Makakaya mo nang magbigay ng papuri nang may tapat na puso upang itaas ang iba sa halip na sirain sila o ang sarili mo sa pamamagitan ng paghahambing. Ikaw ay magiging taong nagbibigay-buhay para sa iba! 

Habang nakikita mo ang iyong sarili bilang isang mahalagang aspeto ng kalikasan ng Diyos,  magsisimulang makita mo ang iba sa ganito ring pamamaraan, at sa wakas, ay malalampasan mo ang bitag ng paghahambing. 

Panginoon, tulungan Mo akong makita ang sarili ko kung paano Mo ako nakikita. Buksan Mo ang aking mga mata para makita ko ang Diyos sa bawat taong nakakasalamuha ko nang sa gayon ay maluwalhati Kita sa aking mga pakikisalamuha. Dalangin ko na ipakita Mo ang aking halaga at ang natatanging aspeto ng Iyong kalikasan na inilagay Mo sa loob ko upang maipagdiwang ko nang malaya ang mga natatanging katangian na inilagay Mo sa kalooban ng iba. Hindi na ako kailanman maghahambing. Sinasabi ko itong muli, hindi ko na muling ikukumpara ang aking sarili sa iba, sa halip ay gagawin ko ang aking bahagi para ipagdiwang ang katawan ni Cristo upang ito ay mabuo at lumakas, sa Makapangyarihang Pangalan ni Jesus, Amen!

Umaasa akong nasiyahan ka sa gabay sa pagbasa na ito. Para sa marami pang mapagkukunan ng tulong para palayain ka sa kung ano man ang pumipigil sa iyo, bisitahin mo si Anna sa

Kumonekta kay Anna sa Instagram: @annalight09

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo. 

More

Nais naming pasalamatan si Anna Light (LiveLaughLight) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.livelaughlight.com