Live Without FearHalimbawa
Focus on the Right Thing
Araw araw pumipili ka ng mga bagay na binibigyan mo ng kapangyarihan sa buhay mo. Kung anuman ang kumukuha ng atensyon mo, iyon ang hinahayaan mo na magkaroon ng kontrol at awtoridad sa iyong buhay. Nakakagulat kung papansinin mo ang mga bagay na kumakain sa iyong oras sa isang buong araw. Masamang pag-iisip, takot, ang iyong nakaraan, teleserye na isang buong araw mong tinapos, ang iyong relationshops, at kung ano ano pa.
Ang kumakain ng oras at pinaka binibigyan mo ng pansin ang kumukuntrol sa’yo.
Kung pipiliin mo lamang na ituon ang pansin sa Diyos, magiging daluyan ka ng pag-kilos Niya. Magkakaroon ng pagbabago sa iyong pag iisip, prayoridad, at masasaksihan mo ang Kapangyarihan Niya sa araw araw na pamumuhay.
Sabi sa Philippians 4:8, “So keep your thoughts continually fixed on all that is authentic and real, honourable and admirable, beautiful and respectful, pure and holy, merciful and kind. And fasten your thoughts on every glorious work of God praising him always.”
Kung pagtutuunan mo ng pansin ang Diyos at ang Kaniyang salita, mas lalawak ang daluyan ng Kaniyang kapangyarihan hindi lang sa iyong buhay kundi pati na rin sa mga taong nakapalibot sa iyo. Kaya’t ituon mo lang ang paningin mo kay Hesus at tiyak na magbabago ang iyong pananaw.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/