Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Live Without FearHalimbawa

Live Without Fear

ARAW 3 NG 5

Take 20 Seconds of Insane Courage


Ilang beses nang nangyari sa atin yung pagkakataon na nadaplisan na sa usapan ng barkada si Jesus, pero ang bilis lumipas ng topic at hindi na nabalikan?

Sigurado akong lahat tayo’y pamilyar sa EDSA People Power na naganap noong ika-25 ng Pebrero, taong 1986. Ito ang rebolusyon na nagpatalsik sa diktatoryal na pamamahala sa ating bayan, at ang rebolusyon na nakapukaw sa atensiyon ng mga karatig bansa.
Hindi kapani-paniwala kung iisipin natin, lalo’t ang salitang rebolusyon ay laging may kalakip na pagdanak ng dugo. Ngunit ang pangyayaring iyon ay hindi lang basta nangyari.

Mayroong mga tao na nasa likod noon na marahil ay huminga nang malalim, at nilakasan ang loob para simulang gawin ang bagay na tila imposible. Mayroong sumubok na sugurin ang panganib sa kabila ng takot na mahuli’t mapatay.
At iyon ang kailangan natin, isang saglit na pagkakataon kung saan ang sulyap ng pag-asa ay mas matimbang kaysa sa pangamba. Dalawampung segundo ng tapang lang ang kailangan natin, para maibuka ang bibig at mabigkas ang Magandang Balita na magbabago sa buong buhay ng makakarinig.

Madalas hinihintay natin yung tamang oras at pagkakataon para ibahagi ang salita ng Diyos, nakakalimutan natin na kaya nga tayo may ngayon dahil ang tamang oras at pagkakataon ay ngayon na.

Share a video, start a conversation with the yesHEis app!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Live Without Fear

Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/