Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
“Sar Shalom”
Sa pamamagitan ni propeta Isaias, ipinahayag ng Diyos na isang bata ang ipapanganak at tatawaging Prinsipe ng Kapayapaan. Sa Hebreo, ang salita para sa "Prinsipe" ("sar") ay palatandaan ng isang lider o kapitan, at ang salita para sa "kapayapaan" ("shalom") ay nangangahulugang "kaganapan." Noong si Jesus ay naparito sa lupa, dumating Siya para dalhin ang isang sirang mundo patungo sa isang lugar kung saan maaari tayong maging buo muli. Naparito Siya para muli tayong pagkasunduin sa Diyos, upang maging tulay ang pagitan na nalikha ng ating pagkakasala. Dumating si Jesus para patahimikin ang ating pagkabalisa at bigyang kapayapaan ang ating pag-iisip. Ang kapayapaan na Kanyang dinala sa mundong ito sa Kapaskuhan ang tumutulong sa atin para maging kuntento at magkaroon ng kapahingahan sa Kanya kahit ano pa man ang kaguluhang pumapaligid sa atin.
Anuman ang iyong kinakaharap sa panahong ito - sakit, sirang relasyon, depresyon, o pag-iisa - hayaang ang kapayapaan ni Jesus ang magbigay ng ginhawa sa iyo kung nasaan ka man. Hindi mo kailangang humantong sa dulo ng iyong paghihirap para makaranas ng pagiging kumpleto. Gusto ni Jesus na pakalmahin ang iyong espiritu gamit ang Kanyang pagmamahal at buuin ang iyong tiwala sa Kanya. Kaya mong lagpasan ang bagyong ito na kumpleto kasama Siya.
Panalangin: Jesus, salamat sa Iyong pagparito para magdala ng kapayapaan. Tintatanggap ko na maaari akong magpahinga sa Iyo, anuman ang aking pinagdadaanan. Sa tuwing ang kapayapaan ko ay pinagbabantaan ng takot o pagkabagabag, tulungan Mo ako na tumakbo sa kaligtasan Mo. Pamunuan mo ang aking espiritu patungo sa kabuuan na makukuha sa Iyo.
I-download ang larawan para sa araw na ito here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More