Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa
Ang Unang Pangako
Alam mo ba na ang unang pangako ng Diyos ay patungkol sa Kapaskuhan? Sa Genesis, mababasa natin na noong unang magkasala si Adan at Eva sa Halamanan ng Eden, nahiwalay ang sangkatauhan sa presensya ng Diyos. Ninakaw ng kasalanan ang ating pagiging malinis at ginawa tayo nitong marumi. Dahil Siya ay banal at perpekto, ang Diyos ay hindi maaaring magkaroon ng relasyon sa anumang marumi. Nadurog ang puso ng Diyos sa pagkakahiwalay na ito dahil mahal Niya tayo nang higit pa sa maaari nating malaman. Agad na bumuo ng plano ang Diyos upang tayo ay muling ipagkasundo sa Kanya. Mula pa nang mailalang ng Diyos ang tao, si Jesus ay itinakda nang maging bahagi ng kuwentong ito.
Ipinaalam ng Diyos kay Satanas noong araw na iyon kung ano ang kanyang sasapitin. Ang sabi Niya, "Kayo ng babae'y aking pag-aawayin, binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin. Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw." (Genesis 3:15). Naitakdang mula sa salinlahi ni Eva, may darating na Tagapaglitas na magpakailanmang mag-aalis ng kapangyarihan ni Satanas na maghiwalay ng Diyos sa tao. Susubukan ni Satanas na pigilan Siya, ngunit dudurugin ng Tagapagligtas ang kanyang ulo. Hindi na siya muling makakabangon mula roon!
Ang kapaskuhan ang hudyat ng pasimula ng proseso ng Diyos na maibalik ang ating relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng isang Bagong Tipan. Naghintay ang mundo ng libu-libong taon para sa ipinangakong Tagapagligtas ng Diyos, at matapos, sa wakas, dumating Siya rito. Ang Nag-iisang dadaig sa kasalanan at kamatayan magpakailanman ay ang Diyos na Kasama natin.
Sa pagpasok natin sa panahon ng Adbiyento, tumuon sa pagsasakatuparan ng unang pangako ng Diyos. Kilalanin na ang Diyos ay tapat sa Kanyang Salita, at pagnilayan and katotohanan na mahal na mahal ka ng Diyos kaya ipinadala Niya ang Kanyang perpektong Anak na maipanganak sa isang mundong makasalanan upang Siya ay magkaroon ng relasyon sa iyo.
Panalangin: Ama, ako ay namamangha na ang Iyong unang tugon sa aming pagkakasala ay ang isang pangako na hindi tayo nito mapaghihiwalay magpakailanman. Salamat dahil sa simula pa lang ay pinili Mo nang ipadala si Jesus upang magbigay ng daan upang kami ay magkaroon ng relasyon sa Iyo. Sa paglapit ng Kapaskuhan ngayong taon, bigyan Mo ako ng mas malalim na pagkaunawa sa kung ano ang Iyong isinakatuparan sa pagdating Niya sa mundo. Iparanas Mo sa akin ang kagalakang Iyong naramdaman nang si Jesus ay ipanganak at nang magsimula ang pagsasakatuparan ng Iyong pangako.
I-download ang imahe para sa araw na ito: here.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.
More