Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 3 NG 25

Pagsasakatuparan sa Hinihintay na Pag-asa

Narinig mo na siguro ang kawikaang, “Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban.” Pero alam mo ba na si Jesus ay ipinanganak upang isakatuparan ng Diyos ang isang pag-asang matagal nang hinihintay? Sa Genesis, mababasa natin na si Abraham at kanyang asawang si Sara ay ilang dekada nang umaasa na magkaroon ng anak, ngunit walang kakayanan si Sara na magbuntis. Noong si Sara ay 90 taong gulang na, nagpakita ang Diyos kay Abraham at nangakong si Sara ay manganganak ng isang lalaki, at sa pamamagitan ng batang ito, tutuparin Niya ang isang panghabang panahon na tipan sa pagitan Niya at ng lahi ni Abraham. Sa katunayan, napatawa si Sara nang sabihin ito ng Diyos, dahil sa isipan niya, "Ngayong ako'y matanda na pati ang aking asawa, masisiyahan pa kaya ako sa pakikipagtalik?" Gayon pa man si Sara ay nagbuntis at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan siya ni Abraham na "Isaac," na ang kahulugan ay "siya'y tumawa," dahil binigyan ng Diyos si Sara ng dakilang kagalakan at kaganapan sa isang sitwasyon na tila imposible.

Ang anak ni Isaac ay si Jacob, at si Jacob ay nagkaroon ng 12 na anak na lalaki, at ang isa sa mga ito ay si Juda. Mula sa lipi ni Juda nagmula si Haring David, at dahil ang ina ni Jesus na si Maria ay mula sa lipi ni David (tulad ng Kanyang makalupang ama na si Jose), ang Tagapagligtas ang naging bunga ng pangako ng Diyos kay Abraham at Sara. Sa pagpapagaling ng Diyos sa katawan ni Sara at sa pagtupad sa minimithi ng puso nito, nagtanim Siya ng isang binhi na sa wakas ay muling magbabalik ng pagkakasundo ng sanlibutan sa Kanyang sarili at sa pamamagitan nito ay nagtatag ng isang panghabang panahon na tipan. Ang kakayahan ni Sara na manganak sa kanyang katandaan ay nagbibigay sa ating ng isa pang dahilan upang mamangha sa mahimalang kuwento ng kapanganakan ni Jesus.

Kung ikaw ay may kinakaharap na matagal na paghihintay ngayon, mapanatag na ang Diyos ay may pagsasakatuparan para sa panahong ito na may kapakinabangang higit pa sa naiisip mo. Kahit hindi mo nakikita ang layunin nito sa ngayon, balang araw, makikita mo rin. Kumapit ka lang sa mga pangako ng Diyos! Tulad ni Sara, mararanasan mo na, "ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan."

Panalangin: Ama, salamat dahil Ikaw ay Diyos na tumutupad ng Iyong Salita. Tulad ng pagtupad Mo sa Iyong pangako kay Sara, nagtitiwala ako na tutuparin Mo rin ang mga pangako Mo sa akin. Paunang pasasalamat sa paggamit ng mahihirap na panahon ng aking buhay para sa mas dakilang mga layunin. Ikinararangal ko na maging bahagi ng gawain na nakakapagbigay ng kaluwalhatian sa Iyo.

I-download ang larawan para sa araw na ito here

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/

Mga Kaugnay na Gabay