Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 8 NG 25

Ang Dakilang Pagpapalitan

Naparito si Jesus sa lupa para ibigay sa atin ang mga regalong pagtanggap, kapayapaan, kagalingan, at kapatawaran, ngunit ang mga regalong ito ay hindi mumurahin. Kahit kailan ay hindi natin kayang bilhin ang mga ibinibigay ni Jesus sa Kanyang pagdating, at mabuti na lang, hindi na natin kailangan pang bilhin. Ngayon, tanggap na tayo ng Diyos, hindi dahil sa sarili nating mabubuting asal, kundi dahil ibinigay na ni Jesus ang tamang kabayaran sa pamamagitan ng pagdanas ng pinakamatinding pagtanggi para sa ating kapakanan. Pinili ni Jesus na mamatay para pagtakpang ang ating mga kasalanan, lupigin ang kamatayan, at bigyan tayo ng buhay. Tinawag ng propetang si Isaias ang ating mga kasalanan na "pagsalangsang" at "katampalasanan" - ang ating mga krimen at kasamaan. Ang mga kasalanang iyon ay nagresulta sa isang utang na kailanman ay di natin kayang bayaran, pero si Jesus, sa Kanyang pagiging perpekto, ay kayang gawin ang mga ito. Nang piliin ni Jesus na ipanganak sa mundo kung saan Siya ay mabubugbog at madudurog, binigyan Niya pa rin tayo ng kapayapaan at kagalingan.

Inilalarawan ng propesiya sa Isaias 53 ang dakilang pagpapalit: ang buhay ni Jesus para sa buhay ng lahat. Alam ni Jesus ang halaga ng Kapaskuhan, at Kanya itong niyakap para mayakap natin Siya at ang buhay na walang hanggan na Kanyang ibinibigay sa atin. Habang pinagdiriwang mo ang panahong ito, huwag kalimutan: tayo ay maaari lamang mapatawad, mapagaling, at mapalaya dahil pinili ni Jesus ang Kapaskuhan.

Panalangin: Jesus, kahit kailan ay hindi magiging sapat ang pagpapasalamat ko sa kabayarang ibinigay Mo para sa akin. Totoong ako ay maliligaw kung wala Ka. Sinasamba Kita bilang aking Kapayapaan, aking Tagapagpagaling, at aking Tagapagligtas! Salamat sa Iyong pagpili sa Kapaskuhan. Tulungan Mo ako na tanggapin ang lahat ng ibinibigay Mo para sa akin, at tulungan Mo rin ako na ibahagi ang mga regalo Mo sa mundong nakapalibot sa akin.

I-download ang larawan para sa araw na ito here.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/

Mga Kaugnay na Gabay