Ang Papel ng Iglesia sa mga Kulturang SalungatanHalimbawa
Kadalasan, kapag ginagamit natin ang salitang "iglesia" ngayon, ang ipinakakahulugan lang natin dito ay isang lugar kung saan ang mga tao ay maaaring pumunta upang makahanap ng pampalakas ng loob, katuruan, at pakikipagsamahan. Subalit, habang ang mga bagay na ito ay mabuti, kapag nilimitahan natin ang mga sarili natin dito, binabawasan natin ang kahulugan nito mula sa talagang nilalayon nito. Kaya, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng iglesia? Bueno, hindi ito isang sentro kung saan nagkikita-kita ang mga tao. Hindi ito ang lugar na pinupuntahan, upang maaliw, at umalis nang maganda ang pakiramdam. Ni hindi ito lugar kung saan maaaring makahanap ka ng panghihikayat. Hindi rin ito isang institusyon para sa isang partidong politikal.
Ang maging bahagi ng iglesia ni Jesu-Cristo, tulad ng tinukoy ni Jesus, ay ang maging bahagi ng isang kalipunan na naatasang isakatuparan ang pananaw ng langit sa lipunan ng impiyerno. Sa gitna ng lugar ng digmaan at salungatan, may inilagay na ekklesia ang Diyos: isang grupo ng mga taong tinawag upang dalhin ang pamamahala ng Diyos sa isang mahalagang pagsasakatuparan at pagsasanay ng sangkatauhan.
Ang iglesia ay isang pamayanan ng mga taong pinag-ugnay sa espiritu na may layuning isalamin at maisabatas ang mga pinahahalagahan sa kaharian ng Diyos. Pansinin, ito ay tungkol sa mga indibidwal na pirasong nagsasama-sama upang lumikha ng isang mas malaki at mas makapangyarihan. Kaya nga napakahalaga ng pagkakaisa sa mga mananampalataya. Hindi sinabi ni Jesus na magtatayo siya ng isang itim na iglesia, isang puting iglesia, isang hispanikong iglesia, isang iglesia ng mga Baptist o isang iglesiang walang denominasyon. Ang sinabi lamang Niya ay magtatayo Siya ng Kanyang iglesia.
Sa anong mga paraan nagkaroon ng maling kahulugan ng iglesia ang mga tao?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano nagiging posible na ang pagtatangi ng lahi at ang di-pagkakapantay-pantay ay nakapamiminsala sa ating kultura? Tingnan na lamang ang bilang ng mga simbahan. May humigit-kumulang sa 300,000 na simbahan sa Amerika. Iyan ay 300,000 na sermon, mga pagsamba at pagsasama-sama linggo-linggo. Ngunit bakit wala tayong nakikitang dagdag na epekto sa ating kultura? Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, tatalakayin ni Dr. Tony Evans ang tunay na iglesia at kung paano ito magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa ating kultura.
More