Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Papel ng Iglesia sa mga Kulturang SalungatanHalimbawa

The Role of the Church in Cultural Clashes

ARAW 4 NG 7

Isang Alternatibong Huwaran

May mga embahada ng Estados Unidos sa buong mundo. Kahit na ang embahada ay nasa isang banyagang bansa, ang mga alituntunin ng Estados Unidos ang ginagamit sa loob ng hangganan ng embahada. Para itong isang kanlungan. Itinalaga ng Diyos ang iglesia upang maging isang kanlungan din. Ang tungkulin nito ay maging isang piraso ng langit, habang narito sa lupa.

Hayaan mong sabihin ko ito sa ganitong paraan, ito ay nagsisilbing pahapyaw na pagpapakita sa kung ano talaga ang kaharian ng Diyos. Katulad ng mga pagrerebista ng mga pelikula na nakalilikha ng interes sa mga parating na pelikula sa pamamagitan ng pahapyaw na pagpapakita ng nasa buong pelikula, kailangan ding maakit ng iglesia ang mga tao sa isang alternatibong paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng pahapyaw na pagsulyap sa kaharian ng Diyos. Habang may digmaan sa mundo, kailangang may kapayapaan sa iglesia. May pagkagutom sa mundo, ngunit kailangang magkusa sa pagbabahaginan at pagbibigay sa iglesia. May pagtatangi ng lahi sa lipunan, ngunit nararapat na magkaroon ng pagpapalaya, katarungan at pagkakaisa sa iglesia. Samakatuwid, kapag nakikita ng mga tao ang iglesia, dapat ay may nakikita silang isang alternatibong paraan ng pamumuhay. 

Kung minsan, masyado tayong nagiging negatibo kapag pinag-uusapan ang iglesia. Pinupuna natin ito at itinuturo ang bawat maliit na problemang iniisip nating mali. Isang bagay ang matapat na suriin ang iglesia, ngunit iba naman kapag pinababagsak mo ito sa iyong pagsalungat. Kailangang maging napakaingat natin sa ating pagsasalita tungkol sa iglesia at sa ating pagtrato rito. Dahil sa kabila ng lahat, mahal ni Jesus ang iglesia, namatay Siya para sa iglesia at babalik Siyang muli para rito. Sa halip na punahin ang iglesia, itigil na natin ito at sa halip ay taimtim na manalangin para sa iglesia.

Paano maipapakita ng iglesia ang isang alternatibong pamamaraan ng pamumuhay sa mundo?


Sana ay nakapanghikayat sa inyo ang gabay na ito. Kung nais pa ninyo ng karagdagang kaalaman, i-click ang dito. 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Role of the Church in Cultural Clashes

Paano nagiging posible na ang pagtatangi ng lahi at ang di-pagkakapantay-pantay ay nakapamiminsala sa ating kultura? Tingnan na lamang ang bilang ng mga simbahan. May humigit-kumulang sa 300,000 na simbahan sa Amerika. Iyan ay 300,000 na sermon, mga pagsamba at pagsasama-sama linggo-linggo. Ngunit bakit wala tayong nakikitang dagdag na epekto sa ating kultura? Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, tatalakayin ni Dr. Tony Evans ang tunay na iglesia at kung paano ito magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa ating kultura.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/