Ang Papel ng Iglesia sa mga Kulturang SalungatanHalimbawa
Ang Tunay na Epekto
Ang bowling ay makabago na ngayon. Maaari kang bumili ng pantalong pang-bowling, sapatos na pang-bowling, kamisetang pang-bowling, guwantes na pang-bowling, at magpasadya ng bola ng bowling na para sa iyo. Maaari mong hawakan ang bola sa ibaba ng iyong baba at tumitig na mabuti sa dadaanan nito. Pagkatapos, maaari kang humakbang ng tatlong hakbang, paikutin ang bola, ipilipit ang kamay, isipa ang paa, at pakawalan ang bola sa daanan nito. Maaaring talagang ang ganda mong tingnan bilang manlalaro ng bowling. Gayunman, kapag nahulog sa kanal ang iyong bola, wala ka rin kundi isang magandang-tingnang talunan. Gaano ka man kagandang tingnan, kung ang mga bolilyo ay nakatayo pa, bigo ka bilang isang manlalaro ng bowling. Ang tagumpay ay nasusukat sa kung ilang bolilyo ang napapabagsak mo. Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng nagiging epekto.
Ang isang iglesia ay maaaring maging kilala dahil sa kanyang mga gusali, pagmamay-ari at mga programa. Maaaring ang ganda nitong tingnan sa labas. Ngunit kung ang iglesia ay hindi naisusulong ang kaharian ng Diyos, naikakalat ang Ebanghelyo, nakapagdidisipulo at nakapaglilingkod sa pangangailangan ng pamayanan, sa gayon ay wala rin ito kundi isang kabiguang magandang tingnan. Ang tanging paraan upang masukat nang maayos ang isang iglesia ay sa pamamagitan ng epekto nito.
Kung ang iglesia ay magkakaroon ng epekto sa lipunan, kailangan nating malaman na tayo ay bahagi ng isang naitatag na kaharian kung saan ang Diyos ang gumagawa ng mga panuntunan. Isa sa mga panuntunan ng iglesia ay ang pagkakaisa natin anuman ang lahi, antas ng ekonomiya, kultura at paniniwalang politikal. Sa pagyakap lamang natin sa pagkakaiba-iba tayo magiging kanlungan tulad ng dinisenyo ng Diyos. Doon lamang magkakaroon ng epekto ang iglesia sa isang mundo ng mga naliligaw na nilalang para sa kaharian ng Diyos.
Ano ang ilan sa mga praktikal na pamamaraan upang magkaroon ng epekto sa pamayanan ang iglesia?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano nagiging posible na ang pagtatangi ng lahi at ang di-pagkakapantay-pantay ay nakapamiminsala sa ating kultura? Tingnan na lamang ang bilang ng mga simbahan. May humigit-kumulang sa 300,000 na simbahan sa Amerika. Iyan ay 300,000 na sermon, mga pagsamba at pagsasama-sama linggo-linggo. Ngunit bakit wala tayong nakikitang dagdag na epekto sa ating kultura? Sa 4-na araw na babasahing gabay na ito, tatalakayin ni Dr. Tony Evans ang tunay na iglesia at kung paano ito magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa ating kultura.
More