Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pighati ng PagdurusaHalimbawa

Ang Pighati ng Pagdurusa

ARAW 1 NG 3

Si Pedro at David

Ang mga pagsubok at kabiguan ay mga bagay sa ating buhay na maaaring makawasak sa atin. Subalit kaya itong gamitin ng Diyos para palakasin at bigyan tayo ng kaligayahan at kagandahan. Sa susunod na tatlong gabay, titingnan natin ang mahirap na isyu ng pagdurusa. Sa pamamagitan ng pagtingin sa paghihirap ng mga tao sa Bibliya, makikita natin ang dahilan sa likod ng kanilang pagdurusa at ang pagtugon nila sa mga ito. Sa gabay na ito, titingnan natin ang pagdurusa nina Pedro at David.

Isinulat ni Lucas ang tungkol sa pag-uusap nina Hesus at Pedro nang sabihin Niya na nais ni Satanas na salain siya na parang trigo. Sa madaling salita, nagdusa si Pedro dahil si Satanas mismo ang humingi ng pahintulot mula sa Diyos para pukpukin siya nang parang bato. Pero pansinin ang susunod na nangyari. Sinabi ni Hesus na ipinagdasal Niya na hindi magkulang ang pananampalataya ni Pedro, at sa kanyang pagbabalik kay Hesus ay mapalakas din niya ang kanyang kapwa. Matapos ang pagkakataong ito, si Pedro ay naging sugatan, pero hindi durog. Sa katunayan, makikita natin na napagbigyan ang kahilingan ni Satanas, pero nasagot din ang panalangin ni Kristo. Hindi lang nakaligtas si Pedro, pero mas lumakas pa ang kanyang pananampalataya. Napalakas din niya ang loob ng kanyang mga kapatid. Sa kanyang pinakaunang liham, isinulat niya ang tungkol sa layunin ng kanyang paghihirap — ang paggawa ng mabubuting gawa na makapagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Kung ikaw ay nagdurusa, posible na ito’y upang ihanda ka para sa paglilingkod na makapagbibigay dakila sa Panginoon.

Isinulat ni David ang tungkol sa pagdurusang bunga ng kasalanan sa mundo. Sa kanyang salmo, ibinahagi niya ang kanyang kadalamhatian bilang isang taong nakaranas ng kasinungalingan, pandaraya, kasamaan, at kapootan. Ibinahagi din niya ang sakit na nadarama ng lahat ng mga tao sa mundo. Naging biktima ka na ba ng mga paratang, masasamang salita, kapootan, o kasinungalingan? Kung naiintindihan mo ang sakit na nararamdaman ni David, mauunawaan mo din kung kanino siya humihingi ng tulong. Tumitingin siya sa Diyos at nagtitiwala sa Panginoon bilang kanyang kanlungan, lugar ng pagpapala, at kasama habang dumaranas ng pagdurusa.  

Ano ba ang dapat nating gawin kapag nagdurusa sa kamay ni Satanas o kapag nakatatanggap tayo ng masasakit na salita? Dapat tayong magtiwala sa Panginoon at magpatuloy sa mabubuting gawain.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pighati ng Pagdurusa

Natingnan na natin ang mga pagsubok at kabiguan bilang mga bagay na maaaring makasira sa atin. Nakita natin ang kagandahan, kaligayahan, at kalakasan na kayang ilabas ng Diyos mula sa mga pagkakataong ito. Tatalakayin ng gabay na ito ang hirap ng pagdurusa — ang kadahilanan at tamang pagtugon sa mga ito, katulad ng makikita natin kina Pedro, David, Pablo, Heman, at Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Grace School of Theology, kasama ang El Centro Network, para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.gsot.edu https://elcentronetwork.com