Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pighati ng PagdurusaHalimbawa

Ang Pighati ng Pagdurusa

ARAW 2 NG 3

Si Pablo at Heman

Sa pangalawang pagtingin sa mga tauhan sa Bibliya na nakaranas ng pagdurusa dahil sa kanilang mga kapighatian, titingnan natin ang buhay ni Pablo. “Tinik sa laman” ang tawag sa kanyang mga paghihirap. Si Heman ay isa ding tauhan sa lumang tipan na nagkwento tungkol sa kanyang mapapait na karanasan. Katulad nang sa buhay nina Pedro at David, makikita din natin ang kadahilanan at tamang pagtugon sa kanilang pagdurusa.

Sa pangalawang sulat ni Pablo, ibinahagi niya na siya’y nakakuha ng tinik sa laman mula kay Satanas. Maraming eskolar ang nagmumuni-muni dahil hindi nila alam kung anong uri ng tinik ito. Ito ay maaaring mahinang paningin, epilepsy, pilay, o iba’t ibang sakit; problemang pangkatawan na walang katapusan. Nagkaroon ka na ba ng sakit na parang walang lunas? Isa sa mga posibleng dahilan kung bakit pinahirapan ni Satanas si Pablo ay ang pagkakaroon ng galit sa Diyos dahil sa kanyang kapighatian, pero mukhang hinayaan ito ng Diyos para patuloy siyang umasa kay Kristo. Ipinagmamalaki niya ang kanyang mga kahinaan para makita ang kapangyarihan ni Kristo sa kanyang buhay. Mapapansin natin na ang mga taong malalakas ay mas umaasa sa sarili nilang katibayan. Subalit iisa lang ang takbuhan ng mga taong mahihina — ang kalakasan ni Kristo.

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Heman ang kanyang kalagayan sa isang salmo na pinamagatang “Ang Pighati ng Pagdurusa.” Sa salmong ito, walang salita ng pasasalamat o pag-asa na makikita. Sa katunayan, mula sa salitang Hebreo ay makukuha natin ang paglalarawan kung saan ang lahat ng pag-asa, panaginip, at pananampalataya ay nakabaon at nababalot ng kadiliman. Subalit, kahit pakiramdam niya na tinalikuran siya ng Diyos, hindi pa rin niya tinalikuran ang Panginoon. Patuloy siyang dumadaing sa Kanya para makuha ang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Mula sa storya ni Heman, matututunan natin na hinuhubog tayo ng Diyos upang maging matiyaga dahil kasama natin Siya sa ating kapighatian. Hindi layunin ng Diyos ang ating kaginhawahan, kundi ang paghubog ng ating pagkatao.

Ang ating pagkatao ay nahuhubog sa loob ng pagdurusa — kung walang paghihirap, walang pagkatao. Kapag may kahirapan, may pananalangin, pag-iiyak, at pagtatanong. Subalit gaya nga ng sinabi ni David sa kanyang salmo, abutin man ng buong gabi ang pananangis, darating at darating din ang kaligayahan sa umaga. Papaano mo ito mukukuha? Sa pamamagitan ng paghihintay.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pighati ng Pagdurusa

Natingnan na natin ang mga pagsubok at kabiguan bilang mga bagay na maaaring makasira sa atin. Nakita natin ang kagandahan, kaligayahan, at kalakasan na kayang ilabas ng Diyos mula sa mga pagkakataong ito. Tatalakayin ng gabay na ito ang hirap ng pagdurusa — ang kadahilanan at tamang pagtugon sa mga ito, katulad ng makikita natin kina Pedro, David, Pablo, Heman, at Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Grace School of Theology, kasama ang El Centro Network, para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.gsot.edu https://elcentronetwork.com