Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pighati ng PagdurusaHalimbawa

Ang Pighati ng Pagdurusa

ARAW 3 NG 3

Hesukristo 

Sa ating huling pagtingin sa pagdurusa, makikilala natin si Hesus bilang sukdulang halimbawa nito. Inilarawan ni propetang Isaias si Hesus bilang taong pamilyar sa “kalungkutan at pighati.” Ito ang mga ginamit niyang salita — nasugatan, pinahirapan, nabugbog, naparusahan, nagdalamhati, at paghahandog. Ipinapahiwatig ng salitang “handog” ang dahilan kung bakit siya nagdusa, at ito’y para maging sakripisyo para sa iyo at para sa akin. Siya’y ipinako sa krus at naging handog para sa ating mga kasalanan. Ang Kanyang sakripisyo ang naging daan para sa ating kaligtasan. Sa katunayan, malapit Siya sa mga taong nakakaranas ng pighati dahil alam niya ang damdaming dulot ng pagdurusa.

Bakit kadalasang madidilim ang karamihan sa mga banal na lugar? Iyan ay naitanong ni C.S. Lewis. Ang krus, libingan, at kwadra — ang mga ito’y banal dahil kahit sa kadiliman ng gabi, kumikilos pa rin ang Diyos; pinalalambot Niya ang katigasan ng ating puso. Ang kwadra o stable ay lugar kung saan ipinanganak ang pagmamahal ng Diyos para sa Kanyang likha. Ang krus ang lugar kung saan ang pagmamahal ng Diyos para sa Kanyang likha ay naipakita. Ang libingan naman ang lugar kung saan ang pagmamahal ng Diyos para sa Kanyang likha ay nag-umapaw sa pag-asa. Kayang-kaya ng Diyos na gamitin ang lahat ng pagdurusa para makagawa ng mabubuti at maluwalhating bagay. Mula sa pinakamasama, kayang ilabas ni Kristo ang pinakamabuti.

Si Kristo sa krus ang bisyon ng pagdurusa — ang walang katapusang pagmamahal ng Tagapagligtas. Ang Kanyang nabaling katawan at ibinuhos na dugo ay para sa pagkakaroon natin ng buhay na walang hanggan. Sinasabi ng banal na kasulatan na si Kristo ay malapit sa mga taong nawasak ang puso. Sa katunayan, ang ating Tagapagligtas ay mas malapit sa atin tuwing tayo’y nagdurusa. Sa ating paghihirap, mas kumakapit tayo sa Kanya. Saang parte ka sinira ng kapighatian? Nawasak na ba ang iyong puso? Nakakaranas ka ba ng paghihirap? Kung oo, pakinggan ang mga tunog sa krus at lumapit sa Kanya. Alam Niya ang iyong pinagdadaanan dahil dinanas na Niya ang mga ito para sa iyo.

Para sa karagdagang mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa “Matibay sa mga Wasak na Lugar” – podcasts at libreng gabay na pwedeng i-download – bisitahin ang Click Here  . Ang Grace Center for Spiritual Development at Grace School of Theology ay mayroong non-degree studies, live online bible study opportunities, at resources na katulad nito.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pighati ng Pagdurusa

Natingnan na natin ang mga pagsubok at kabiguan bilang mga bagay na maaaring makasira sa atin. Nakita natin ang kagandahan, kaligayahan, at kalakasan na kayang ilabas ng Diyos mula sa mga pagkakataong ito. Tatalakayin ng gabay na ito ang hirap ng pagdurusa — ang kadahilanan at tamang pagtugon sa mga ito, katulad ng makikita natin kina Pedro, David, Pablo, Heman, at Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Grace School of Theology, kasama ang El Centro Network, para sa gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.gsot.edu https://elcentronetwork.com