Broken Made WholeHalimbawa
“Storm-Proof not Storm-Free”
Ang buhay ko ngayon, maikukumpara sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. Sira. Wasak. Durog.
Yung kung titingnan mula sa aerial view, parang wala nang pag-asa. Parang hindi mo alam kung paano makakabangon. Pero gayunpaman, nakabangon yung mga nasalanta. Sa tulong ng mga tao, kilala man nila o hindi, na nagmalasakit at naramdaman yung pinagdadaanan nila.
Oo, nawalan sila ng ari-arian, nawalan sila ng kabuhayan, nawalan sila ng mahal sa buhay, pero nagkaroon sila ng pagkakataong magsimula ulit at magpatuloy sa pangalawang pagkakataong mabuhay na ipinagkaloob sa kanila.
Bagyo lang si Yolanda. Kahit sobrang lakas niya at kahit parang wala nang katapusan yung sakit at hirap na naidulot niya, humupa pa rin siya. Dumaan na yung isa sa pinakamalakas na bagyo sa buhay ko. Sira na ako. Wasak. Durog.
Yung kung titingnan mula sa aerial view, parang wala nang pag-asa. Parang hindi mo alam kung paano makakabangon. Pero gayunpaman, makakabangon din ako. Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin at sa tulong Niya, na Siyang pinagmulan ng lahat lahat.
Para sa bagong simula.
Para sa bago at mas matapang na ako.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Raizel Leuterio, a writer of Right Now, was enjoying her life doing God’s work by helping kids as a speech therapist, and discipling college students, until a tragedy happened… a tragedy that she thought only happens in the movies. She got her heart broken in the most unimaginable way. She never thought she could recover but she did, all by the grace, mercy and love of His Father.
More
Ito ay ginawa para sa ikatututo mga kabataan sa Right Now Philippines, an affiliate of Far East Broadcasting Company for the Youth