Ang Aklat Ni MateoHalimbawa
MAGING KAKAIBANG TAO
Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit. (Mateo 5:16 NIV)
Itinuro sa atin ni Jesucristo kung paano mamuhay bilang mga maka-Diyos. Hindi lamang mga teorya ang itinuro ni Jesus, kundi ipinamuhay Niya mismo ito habang nabubuhay pa Siya sa mundo at nakita ito ng Kanyang mga disipulo at kanila itong isinulat. Sa panahon Niya, nakita ni Jesus ang mga guro ng batas, ang mga eskriba at ang mga Pariseo na hindi namuhay sa pag-ibig sa Diyos at sa iba kundi sa halip namuhay sila na gumagawa lamang para sa gawaing pang-relihiyon.
Sa katunayan, sa mga panahong ito, sila ay ang mga tao na tumatawag sa sarili na Kristiyano dahil nagsisimba sila tuwing Linggo o aktibong kaanib sa mga gawain sa simbahan. Ngunit ang pinakamahalaga, isinasagawa ba natin ng Kanyang mga Salita? Ang Diyos ay hindi interesado sa ating tinaguriang maka-Diyos na pamumuhay kung ito ay isa lamang gawaing pangrelihiyon.
Sinabi ni Jesucristo na ang mga mananampalataya ay asin at ilaw ng mundo. Ang ating buhay ay ituturing lamang na maka-Diyos kung pinagpapala ng ating presensya ang mga taong nasa paligid natin. Dapat tayong mamuhay na mapagmahal sa ating kapwa.
Kung mamahalin lamang natin ang mga mabuti sa atin, normal na bagay iyon. Ngunit kung nais nating maging iba sa mundo, kailangan nating matutunan kung paano patawarin ang mga nagkakasala sa atin. Itinuro sa atin ni Jesus saan man tayo magpunta, kailangan nating magdala ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. Mabuhay nang patas nang hindi kinukwestyon ang pinanggalingan, katayuan o lahi ng isang tao.
Patnubayan ang ating mga puso ng katotohanan ng Kanyang Salita at dalhin ang mga ugaling makalangit saan man tayo naroroon, at tiyak na tutulungan tayo ng Diyos.
Ang pinakadakilang pagpapala sa ating buhay ay hindi ang oras na natanggap natin ang pagpapala, kundi kapag tayo ay naging isang pagpapala sa lahat ng mga tao.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyong ito (kinuha mula sa Aklat ni Mateo) ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan sa Bibliya, at gagabay sa iyo upang maisagawa ito araw-araw habang nagpapatuloy ka sa iyong lakad ng pananampalataya kay Cristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg