Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Aklat Ni MateoHalimbawa

Ang Aklat Ni Mateo

ARAW 3 NG 7

HUWAG MAGKAMALI SA PAGPILI

“Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya't maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati. (Mateo 10:16 NIV)

Nilikha ng Diyos ang mga tao at binigyan sila ng malayang pagpapasya upang mapili nila kung ano ang nais nilang gawin. Kung makagawa tayo ng maling pagpili, kailangan nating tiisin ang ating panghihinayang at ang kinalabasan nito marahil sa loob ng maraming buwan o mga taon. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan natin ang karunungan ng Diyos sa pagpili at pagpapasya.

Itinuro sa atin ni Jesus na magbantay araw-araw sapagkat laging naghahanap ang diablo ng tamang oras upang alukin tayo ng mga bagay. Kung tayo ay hindi maingat, maaakit tayo nito at mahuhuli sa kanyang bitag. Samakatuwid, kailangan nating magsaalang-alang bago gumawa ng anumang mga desisyon at kung ang ating plano na gagawin ay alinsunod sa Salita ng Diyos.

Tulad ng isang maliit na bata na naligo nang gabi, hindi siya papayagang maglaro sa isang maruming lugar. Hindi rin nais ng Diyos na tayo na napaging banal ng dugo ni Jesus ay muling ibigay ang ating buhay sa maruming bagay.

Ang Internet ay mabuti para sa atin ngunit kung mali ang paggamit natin dito, ang maling impormasyon ay maaaring makapasok at mahawahan ang ating isipan. Patuloy na sinusubukan ng diablo na nakawin ang kapayapaan sa ating puso samakatuwid kailangan nating magbantay at maging matalino sa ating mga aksyon ngunit mananatiling inosente sa lahat ng ating mga saloobin.

Sa mundong ito, ang Diyos lamang ang may kakayahang magpuno sa ating mga puso at ang Diyos lamang ang pinakamaganda sa ating buhay. Samakatuwid, bilang mga mananampalataya, nawa tayong lahat ay makaranas ng kagandahan ng Diyos araw-araw sa ating buhay.

Anuman ang ating pinaghirapan ay magiging walang kabuluhan kung hindi natin babantayan nang maingat ang ating buhay.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Aklat Ni Mateo

Ang debosyong ito (kinuha mula sa Aklat ni Mateo) ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan sa Bibliya, at gagabay sa iyo upang maisagawa ito araw-araw habang nagpapatuloy ka sa iyong lakad ng pananampalataya kay Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg