Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Aklat Ni MateoHalimbawa

Ang Aklat Ni Mateo

ARAW 4 NG 7

PAGBABANTAY SA PINTO NG ATING PUSO

Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ng isang tao ay nagmula sa puso, at ito ang nagpapahawa sa kanila. Sapagkat mula sa puso ay nagmumula ang masasamang pagiisip - pagpatay, pangangalunya, sekswal na kahalayan, pagnanakaw, maling patotoo, paninirang puri. (Mateo 15: 18-19 NIV)

Ang tagumpay ay bunga ng ating mga pagsisikap. Ngunit sa mga mananampalataya, ang tagumpay ay nangangahulugan ng paghawak nang mahigpit sa mga pangako ng Diyos, hindi tumalikod sa Salita ng Diyos at binabantayan ang ating mga puso at buhay.

Ang papuri at pagsamba ay hindi lamang tungkol sa mga kilos na ginagawa sa simbahan kundi tungkol din sa ugali ng ating puso sa pang-araw-araw na buhay. Dapat nating bantayan ang mga salita ng ating bibig at ang ating mga kilos na dapat ay naaayon sa katotohanan ng Kanyang Salita.

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay makikitang lalo sa ating buhay kung tayo ay nabubuhay nang matapat at patuloy na sumusunod sa Kanyang mga utos. Bakit kailangan nating nasa kaluwalhatian ng Diyos? Sapagkat napatunayan na ang tagumpay ng mga Israelita ay sa kadahilanan na ang kaluwalhatian ng Diyos ay sumasa kanila. Kumusta naman tayo? Hindi ba natin nais na ang ating buhay ay maging matagumpay sa lahat ng mga bagay?

Habang si Jesucristo ay nasa mundo, Siya ay binihisan ng katawang lupa na katulad natin. Ang isang katawan na maaaring makaramdam ng gutom at dumaan sa pagdurusa, nangangahulugang katulad natin ito na maaring dumanas ng tukso. Alam iyon ng diablo, kaya't sinubukan niya si Jesus sa ilang. Gayunpaman, natalo ni Jesus ang lahat ng mga tukso sapagkat pinili Niya na maging masunurin sa mga utos ng Diyos sa Salita ng Diyos kaya't sumakanya ang kaluwalhatian ng Diyos.

Huwag hayaang magkaroon ng pagkakataon ang diablo na nakawin ang ating mga puso kundi hayaang bukas ang pintuan nito para punuan tayo ng espiritu ng Diyos. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, tayo ay magtatagumpay.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Aklat Ni Mateo

Ang debosyong ito (kinuha mula sa Aklat ni Mateo) ay magbibigay sa iyo ng mga katotohanan sa Bibliya, at gagabay sa iyo upang maisagawa ito araw-araw habang nagpapatuloy ka sa iyong lakad ng pananampalataya kay Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg