Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 35 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 6:18-24.
Hinihiling ni Pablo sa mga taga-Efeso na manalangin para sa kanyang pangangaral ng Salita ng Diyos. Maari ka bang manalangin ngayon para sa iyong pastor? Gamitin ang mga talatang ito bilang gabay sa iyong panalangin. Maari ka bang maglaan ng isang araw sa isang linggo upang ipagdasal siya lagi?

MAGTANIM NG BINHI
Tahimik na sabihin sa sarili ang piling mga talata ng Bibliya sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso at pagbulay-bulayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 6:18
"Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos."

MAGDILIG NG BINHI
Paano nais ni Pablo na ikaw ay manalangin? Isaalang-alang ang talatang ito, ano ang maari mong gawin upang matupad ang tagubilin na ito? Anong mga pagbabago ang kinakailangan sa iyong buhay panalangin? Maari ko bang hilingin na ipagdasal mo ako? At, maari ko bang hilingin na ipanalangin ako upang ako ay lumakad ng matuwid ayon sa ebanghelyo, kaaya-aya sa Diyos? Maari mo din ba akong ipanalangin upang maipangaral ko ang Salita ng Diyos ng tama, may kapangyarihan at walang kompromiso, sa Espirito at kapangyarihan ng Diyos? Maraming salamat!

MAG-ANI NG BUNGA
Manalangin sa bawat pagkakataon at manatiling alerto.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat na naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 34Araw 36

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/