Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 1 NG 40

PANIMULA: Pagtatanim sa Iyong Hardin para sa Masaganang Ani

Ano ang magiging itsura ng ating paglalakbay:
ARAW 1-2: Panimula
ARAW 3-6: Paghahanda sa Lupa
Gamit ang mabuting balita ayon kay Lucas, aabutin ng apat na araw ang paghahanda ng lupa ng ating mga puso para sa binhi ng katotohanan.
ARAW 7-40: Pagtatanim at Pag-aalaga ng iyong Hardin
1. Sa bawat araw ay magsisimula sa babasahin mula sa mga Taga-Efeso, isang BINHI NG KATOTOHANAN.
2. Sa MAGTANIM NG BINHI, ikaw ay bibigyan ng isang ‘binhi’ mula sa kasulatan, isang teksto, upang itanim sa iyong puso para sa araw na iyon. Sadyaing iayon ang mga iniisip sa piling talata, baguhin ang pagiisip at puso upang makita ang iyong araw at mga tao ayon sa talatang binasa.
3. Magpasakop sa katotohanang binasa at itanim ang binhi sa kaibuturan ng iyong puso.
4. Sa MAGDILIG NG BINHI, sundin ang iminungkahing gawain upang makatulong sa iyong “pagtatanim ng binhi” at maipamuhay ang katuruan. “Maging taga-gawa ng salita, at hindi lamang tagapakinig, dinaa ang iyong sarili” (Santiago 1:22)
6. Sa MAG-ANI NG BUNGA, isang katotohanan ang iha-highlight. Ito ang magiging bunga ng pagtatanim at pagdidilig ng katotohanan sa iyong puso.
7. Panghuli, gamitin ang mga katotohanan hango sa Mga Taga-Efeso upang gabayan ang iyong mga panalangin. “At ito ang lakas ng loob na meron tayo, na kahit ano ang ating hilingin ng ayon sa kanyang kalooban ay pakikinggan nya tayo” (1 Juan 5:14)

Basahin ang Mga Taga-Efeso 3:14-19

Ihanda ang iyong puso bilang pagsisimula ng aralin na ito, gaya kung paano mo ihahanda ang hardin bago magtanim sa panahon ng pagsibol. Buksan ang iyong puso upang tanggapin ang binhi ng katotohanan na Kanyang nais itanim sa iyong puso para sa susunod na 40 araw. Nawa’y kanyang pagyabungin ang punla, maging ganap na halaman at pagdakapa’y masaganang ani. Huwag matakot na humingi ng tulong sa Kanya na marinig ang Kanyang boses at bigyan ka ng abilidad na kakailanganin upang sundan ang mga yapak na Kanyang pinapasundan. Bibigyan ka ng Panginoon ng magandang hardin ng kanyang katangian sa iyong puso. Maghanda – narito na ang panahon ng pagsibol! Nawa’y ang iyong puso ay mapuspos ng nag-uumapaw na kabuuan ng Diyos.

Nananalangin para sayo,
Laurie

Hangga't hindi binanggit, ang mga kasulatan ay hango sa The Holy Bible, English Standad Version ® (ESV®), copyright © 2001 by Crossway.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/